Your native language

عربي

Arabic

عربي

简体中文

Chinese

简体中文

Nederlands

Dutch

Nederlands

Français

French

Français

Deutsch

German

Deutsch

Italiano

Italian

Italiano

日本語

Japanese

日本語

한국인

Korean

한국인

Polski

Polish

Polski

Português

Portuguese

Português

Română

Romanian

Română

Русский

Russian

Русский

Español

Spanish

Español

Türk

Turkish

Türk

Українська

Ukrainian

Українська
User Avatar

صوت


واجهه المستخدم


مستوى الصعوبة


لهجة



لغة الواجهة

ar

Lyrkit YouTube Lyrkit Instagram Lyrkit Facebook
1
التسجيل / تسجيل الدخول
Lyrkit

يتبرع

5$

Lyrkit

يتبرع

10$

Lyrkit

يتبرع

20$

Lyrkit

و/أو ادعمني في مواقع التواصل الاجتماعي. الشبكات:


Lyrkit YouTube Lyrkit Instagram Lyrkit Facebook
Soulstice

Panahon

 

Panahon


Ako ay babangon ng babangon 'pag nadapa (yeah)
At hindi na basta magpapadala
Sa sasabihin ng mga makuda (wohh)
Tutuloy lang hanggang sa may mapala
'Wag mo nang isipin 'yung talo, dapat magawa mo 'yung plano
Hayaang matahin ka ng mga tao magtatanong na lang lahat 'yan
Kung pa'no mo ba nagawa 'yung mga 'di nila kaya na magawa
Na kahit sila 'yung unang natawa
Mga nangmaliit sa 'kin ay nabaling ang tingin
Nung makita nila 'yung binhi pataba nang pataba

Natural 'yung matutumba importante natututo ka
Manatiling nasa baba 'di ikaw kundi 'yung paa
Ang gusto ko lang naman ipabatid ay ito

Hayaan mo 'yung panahon manuntok
Basta 'wag na 'wag kang hihinto
Hanapin mo 'yung susi ng pinto
Payo ko lang 'wag kang titiklop
Ang gusto ko lang naman ipabatid ay ito
Ituloy mo lang hanggang sa may mapala ka

Sinubukan ko
Wala namang mawawala sa akin
At naniwala ako
Sa sarili at ako'y hindi rin
Nagpaapekto sa mga taong walang natulong sa akin
Naniniwala ako na kakayanin ko

Lahat kahit na mahirap
Tutuloy ko
Wala naman sa akin ang sumuko
Sila naman ang nagsabi na ako'y huminto
Kahit kailan 'di pumreno
'Di pa nga sapat ang naabot ko at
Wala nang dahilan pa para tumigil
Dahil nasimulan na ang tagumpay
At wala nang magpapahinga

Kahit na madami ang balakid na haharapin ko
Patuloy na magsasagwan patungo sa kalalagyan
Kahit na hindi ko pa man alam kung kailan darating 'to
Handa ako na masaktan
Sa kung anong kalabasan

Hayaan mo 'yung panahon manuntok
Basta 'wag na 'wag kang hihinto
Hanapin mo 'yung susi ng pinto
Payo ko lang 'wag kang titiklop
Ang gusto ko lang naman ipabatid ay ito
Ituloy mo lang hanggang sa may mapala ka

Napakarami ng pinagdaanang hirap
Umabot na sa puntong pawala na 'yung kutitap
Madami ang nagsabing 'di ko na mahahagilap
Liwanag sa pangarap papatay na kulisap
Mas maigi na iba na lang ang dapat kong gawin
Tila wala pang kalidad sabi ng mga magaling
Halos 'di ko na mabilang grabe nakaka-praning
Pupunta pa rin hanggang lahat ay aking marating
Na balang araw, maipamumukha sa kanila
Na 'di pwedeng maagaw ang sipag na dala-dala
Sa aking kada-hataw sagad kong minanipula
Kung mabigo hindi ako takot mag-umpisa
Hanggang makaisa uulit-ulitin
Na parang walang bukas kung iyong iisipin
Ganu'n ako mangarap at lumapat gagawin lahat
'Di para makipagbalitaktakan sa pailalim humatak

Natutunang aralin ang galaw, kalaunan uminit ang bitaw
Inisantabi ang mga galit sa iba mas mabuti nang yakapin ang pananaw
'Di na bago sa akin ang maligaw, gagawa ng paraan hanggang makatanaw
'Yung dati na sarado 'yung mata sa amin
Darating 'yung panahon lahat sila mapapa-wow

Hayaan mo 'yung panahon manuntok
Basta 'wag na 'wag kang hihinto
Hanapin mo 'yung susi ng pinto
Payo ko lang 'wag kang titiklop
Ang gusto ko lang naman ipabatid ay ito
Ituloy mo lang hanggang sa may mapala ka

Aminadong nawala sa hulog
At kadalasan ay hindi na makatulog
Hirap nang makabangon parang nakasukob
Kahit na anong gawin hindi na makasunog
At tila nilamig sa mahabang panahon
Lagi na lang bukambibig wala nang pagkakataon
Isip halos masaid kung pa'no maibabaon
Makatayo't makatawid tungo sa dako pa roon
Hanggang sa 'di ako sumuko
Ganu'n pala kapag madami ang dumuro
Sila-sila rin ang dahilan kung bakit lumakas
At higit sa lahat napakalabo nang gumuho
Nang aking nasimulan na isa ding galing sa wala
Pasasalamat lamang sa taas ang aking naging panimula
Tunay nga pala na kapag pinaghirapan
Matutupad lahat ng sinakripisyo mo't ginawa (uh)

'Di na gaya ng dati
Papunta at pabalik laging kulang pamasahe
Palaisipan ang pag-abante
Mga daanang matarik napakarami
Pero 'di ko sinukuan mas nilakasan ang pag-atake
Kung pa'no tumayo 'yun ang pinaka-importante
Sa buhay 'di kailangan ng marami pang detalye
Kung meron diskarte lahat ay mangyayari

Hayaan mo 'yung panahon manuntok
Basta 'wag na 'wag kang hihinto
Hanapin mo 'yung susi ng pinto
Payo ko lang 'wag kang titiklop
Ang gusto ko lang naman ipabatid ay ito
Ituloy mo lang hanggang sa may mapala ka

Panaho'y nanununtok, nais ka ma-agrabyado
Pero 'wag ka dapat hihinto, itaya na pati pato
Hanapin mo 'yung susi ng pinto, sadyang marami ang nanghihimasok
Pwede ring ituring 'yan na panauhin, pakitaan mo na lang ng asikaso
Kaya
Pilitin mo gawing mangha
Mga duda na pinamumukha
Panisin mo sa galaw na tila ba iwan sila
Habang dila mo ay niluluwa
Sa umpisa kailangan pagpawisan
Para ganahan ang diwa pati kaluluwa
Isagad mo pa laging tandaang 'pag hinihingal na
Du'n ka pa mas maraming maibubuga
Panahon ay paura-urada, 'pag lumipas na napapansin ang tulin
Kaya pangarap ay habulin mo na parang nalalapit ka na sa tinakdang palugit
Maiiwan ka lang kapag tumunganga, pwedeng tumigil ngunit bilang mapanuri
'Pagkat ang tanging oras ng pagtulala lang ay mga sandaling mag-iisip ka ng mabuti

Ayos lang kung mali may leksyon na tumanim
Talo man, magbawi, kondisyon at gumaling
Pagod may kapalit, komisyon ay kubrahin
Basta, ano man ang kolisyon na dumating, 'yung misyon ay tuparin

Hayaan mo 'yung panahon manuntok
Basta 'wag na 'wag kang hihinto
Hanapin mo 'yung susi ng pinto
Payo ko lang 'wag kang titiklop
Ang gusto ko lang naman ipabatid ay ito
Ituloy mo lang hanggang sa may mapala ka

Hayaan mo 'yung panahon manuntok
Basta 'wag na 'wag kang hihinto
Hanapin mo 'yung susi ng pinto
Payo ko lang 'wag kang titiklop
Ang gusto ko lang naman ipabatid ay ito
Ituloy mo lang hanggang sa may mapala ka

منتهي

هل قمت بإضافة كل الكلمات غير المألوفة من هذه الأغنية؟