Your native language

عربي

Arabic

عربي

简体中文

Chinese

简体中文

Nederlands

Dutch

Nederlands

Français

French

Français

Deutsch

German

Deutsch

Italiano

Italian

Italiano

日本語

Japanese

日本語

한국인

Korean

한국인

Polski

Polish

Polski

Português

Portuguese

Português

Română

Romanian

Română

Русский

Russian

Русский

Español

Spanish

Español

Türk

Turkish

Türk

Українська

Ukrainian

Українська
User Avatar

Klang


Schnittstelle


Schwierigkeitsgrad


Akzent



Schnittstellensprache

de

Lyrkit YouTube Lyrkit Instagram Lyrkit Facebook
1
registrieren / anmelden
Lyrkit

spenden

5$

Lyrkit

spenden

10$

Lyrkit

spenden

20$

Lyrkit

Und/oder mich im sozialen Bereich unterstützen. Netzwerke:


Lyrkit YouTube Lyrkit Instagram Lyrkit Facebook
Stick Figgas

Parisukat

 

Parisukat

(Album: Realistick - 2018)


Ang mga butas sa pader ay nakatingin
Mababang kisame ay nakikinig
Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha
'Di man umiikot, ito'y nalibot na
Dahil meron lamang apat na kanto itong mundong hugis parisukat

'Di mo ko kinikibo, tapik na ko nang tapik
Nagpadala ng puso, umaasang may bumalik
Sanay na nga ba yung sugat sa patak ng kalamansi?
Nung naiputan niya, sariwa pa rin sa 'kin yung hapdi
Subukan ko kayang mangyurak ng damdamin
Wala rin, kunsensya ko naman yung uupak sa akin
Wala ng takas sa masamang lasa ng nicotine
Napa-praning na rin sa tuwing may babagsak na pigurin
Basag na yung katahimikan sa mundo kong nasa plato
Detalyado kong ginuhit ang sagrado na kwadrado
Kusang 'di ko na kailangan ng matataas na grado
May mga mata ng kuwago sa sulok ng bawat kanto
Marunong magpatawad pero 'di nakakalimot
Saksi ang guhit sa palad kung pano mo pinaikot
Sa mundo kong ito, 'di mo na ko mabibilog
Tiyak lulutang 'yung basurang itinapon mo sa ilog

Ang mga butas sa pader ay nakatingin
Mababang kisame ay nakikinig
Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha
'Di man umiikot, ito'y nalibot na
Dahil meron lamang apat na kanto itong mundong hugis parisukat

Mga makabagong aparato at teknolohiyang moderno
Kailangan kong magka-ganon ayokong mahuli sa kwento
Dala-dalawa na ang telepono, 'di pa rin kuntento
Puro lamang sarili trato at pasikat sa komento
Alam mo bang alam nila ang buong pangalan mo kumpleto
Araw ng kapanganakan, trabaho mo pati s'weldo
Kasi trenta porsyentong rason kaya 'to inimbento
Para madali lang tayong matiktikan ng gobyerno
Kalayaan sa dayuhan ay pilit na pinaglaban
Para lamang maging alipin ng kahirapan
Parang salamangkerong pinapili ang nanonood
Kanan man o kaliwang kamay siya pa rin ang siyang nasusunod
Madalas tayong nauutakan ng ating napupusuan
Ngunit sa bawat pagbagsak ay may kapupulutan na mga aral
Na dapat maaga mong natututunan
Tulad ng 'di ka malaya, malawak lang ang kulungan

Ang mga butas sa pader ay nakatingin
Mababang kisame ay nakikinig
Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha
'Di man umiikot, ito'y nalibot na
Dahil meron lamang apat na kanto itong mundong hugis parisukat

Wala na akong ibang mahihiling pa
Sa sulok ng mundong ito
Kapiling kita, o sinta
Bakit ba sa t'wing pinapalaya mo?
Labas pasok pa rin ako
Sa bilangguang nakasanayan ko...whoah

Gustong kumawala ng kamalayan 'di sanay na palaging gala
Maghapong kayod nang kayod para lang may gatang mapiga
Lansangang maraming daga, basa! Maingay na talipapa
Kulang ata ang tamang salita upang maitama ang mga maling nagawa
Sa sinasabi ng iba 'wag ka masyadong magbabalewala
Marami ng buhay ang nababalewala napariwara
Kamatayan lang ang makakapagkalas ng mga tanikala
Makakatakas ka lamang sa parisukat
Kapag nakahiga ka na sa parihaba

Ang mga butas sa pader ay nakatingin
Mababang kisame ay nakikinig
Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha
'Di man umiikot, ito'y nalibot na
Dahil meron lamang apat na kanto itong mundong hugis parisukat

Erledigt

Hast du alle unbekannten Wörter aus diesem Lied hinzugefügt?