Your native language

عربي

Arabic

عربي

简体中文

Chinese

简体中文

Nederlands

Dutch

Nederlands

Français

French

Français

Deutsch

German

Deutsch

Italiano

Italian

Italiano

日本語

Japanese

日本語

한국인

Korean

한국인

Polski

Polish

Polski

Português

Portuguese

Português

Română

Romanian

Română

Русский

Russian

Русский

Español

Spanish

Español

Türk

Turkish

Türk

Українська

Ukrainian

Українська
User Avatar

Sound


Interface


Difficulty level


Accent



interface language

en

Lyrkit YouTube Lyrkit Instagram Lyrkit Facebook
Cookie policy   |   Support   |   FAQ
1
register / login
Lyrkit

donate

5$

Lyrkit

donate

10$

Lyrkit

donate

20$

Lyrkit

And/Or support me in social. networks:


Lyrkit YouTube Lyrkit Instagram Lyrkit Facebook
Smugglaz

Hakuna Matata

 

Hakuna Matata


Wag ka mag-alala la la la la la...

Di habang panahon, mananatiling mailap ang pagkakataon
Kahit na parang ngayon tila ba nakabaon
Ang kalahating katawan lupa mo't nasa kahon
Eh pano buhay ka pa daig, mo pa tila yung tigok
O bangkay na nanlamig, puso'y di na natibok
Pakiramdam mo pagkatapos ilang ulit masawi
Mga sunod na sandali'y tinaningan na ni dok
Sa mundong magulo, madilim masikip
Puno ng takot, pagdududa, pangamba at katanungan
Ay manalig, manalangin kumapit wag mainip
Pagkat ang tamang panahon lang ay may dala ng kasagutan

Kahit madalas tagmalas ang klima
Palaging may bakas ng pag-asa din na
Tayo'y makalampas sa masukal na landas
Humingi lang ng lakas sa taas sa tuwina

Kahit na anuman ang mga dahilan
Kung bakit ba makulimlim ang kalangitan
Ang alam ko lang pagtapos ng ulan
Bukod sa bahaghari sa kaulapan
Ay sisikat din ang araw na makakaraos din lahat tayo
Wag ka mag-alala la la la la la...

Di habang panahon mananatili na maputik ang sapatos mo pagkat
Di lang ikaw ang galing sa daan na yon
At batid ko na hindi dun natatapos ang lahat
Ke ilang ulit ka pa sumablay nung umpisa
Tapusin mo pa din ng tama kahit parang huli na
Ke ikaw, ako, sila husgahan man nung iba
Sa huli ang hahatol lamang satin po'y isa
Minsan nga daw kung saan tayo pinakamahina
Ay dun pa pala daw tayo mas lumalakas
Kung kelan ka ligaw at ang sarili'y di mo makita
Yung tunay na ikaw dun pa mas lumalabas

Kahit madalas tagmalas ang klima
Palaging may bakas ng pag-asa din na
Tayo'y makalampas sa masukal na landas
Humingi lang ng lakas sa taas sa tuwina

Kahit na anuman ang mga dahilan
Kung bakit ba makulimlim ang kalangitan
Ang alam ko lang pagtapos ng ulan
Bukod sa bahaghari sa kaulapan
Ay sisikat din ang araw na makakaraos din lahat tayo
Wag ka mag-alala la la la la la...

La la la la la...
Wag ka mag-alala la la la la la...
La la la la la...
Wag ka mag-alala la la la la la...

Hakuna matata di dahil madali
Kundi kumpyansa sa likod ng tangis na hapdi
Pagkat pag aalala mo tila kahit sandali
Imahinasyon mo lang ang ginagamit sa mali
Sigalot ng puso't isip talino pag-ibig
Oldskul newskul gobyerno't mamamayan
Pangamba sa hinaharap na di pa nagaganap
Laban sa mga pait ng nakaraan
Tulad nyo rin akong nung una'y kinayang mag-isa
Galing sa hirap nangarap hanggang sa mag-iba
Sa paglipas at pagbuklat mo ng bawat pahina
Makokonekta mo lang ang lahat kapag nangyari na
Sadyang mundo'y makulay pagkat walang perpekto
Ngunit magpakatunay ang baon kong sikreto
Mga hamon sa buhay mo na nakaengkwentro
Pag nagtagumpay ka po ay pampagarbo lang ng kwento
Na kahit tagmalas ang danas na klima
Pwedeng tumaliwas ang landas mo't linya
Sa una madalas man api ang yong labas
Tayo pa din sa wakas ang palabas ang bida

Kahit na anuman ang mga dahilan
Kung bakit ba makulimlim ang kalangitan
Ang alam ko lang pagtapos ng ulan
Bukod sa bahaghari sa kaulapan
Ay sisikat din ang araw na makakaraos din lahat tayo
Wag ka mag-alala la la la la la...

La la la la la...
Wag ka mag-alala la la la la la...

done

Did you add all the unfamiliar words from this song?