Your native language

عربي

Arabic

عربي

简体中文

Chinese

简体中文

Nederlands

Dutch

Nederlands

Français

French

Français

Deutsch

German

Deutsch

Italiano

Italian

Italiano

日本語

Japanese

日本語

한국인

Korean

한국인

Polski

Polish

Polski

Português

Portuguese

Português

Română

Romanian

Română

Русский

Russian

Русский

Español

Spanish

Español

Türk

Turkish

Türk

Українська

Ukrainian

Українська
User Avatar

Sound


Interface


Difficulty level


Accent



interface language

en

Lyrkit YouTube Lyrkit Instagram Lyrkit Facebook
Cookie policy   |   Support   |   FAQ
1
register / login
Lyrkit

donate

5$

Lyrkit

donate

10$

Lyrkit

donate

20$

Lyrkit

And/Or support me in social. networks:


Lyrkit YouTube Lyrkit Instagram Lyrkit Facebook
Gloc-9

Luma

 

Luma


Minsan mas mahal pa ang luma
Mas nilalapitan ang mura
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha

Nandito nanaman ako
Bitbit ang bagong sulat ko
Ibabahagi sainyo
Saglit po lang naman ito

Ikaw ba ay nalulumbay
At tila di makasabay
Sa agos na tumatangay
Gamitin mo akong tulay

Simula nang piliin ko ang landas na dapat tahakin ay kailanma'y 'di na'ko bumalik
Naiwanan man ng iba na 'di ko akalain ay medyo mahangin
Sa paanan ay dapat humalik
Di ko kaya
Ni minsan ay hindi ko dinaya
Marunong akong magpaubaya
Kung hindi mo pa talaga oras
Initin nalang ang sopas
At bilangin mo ang lahat ng biyaya
Makukuha mo rin ang sa'yo
Ang sa'yo ay sa'yo
Kahit na ano pa man
Ihanda mo na ang pang salo
May manggulo mang sanggano
Kahit na sino pa 'yan
Tandaan mo ang lahat ng aking sinabi
Hawakan palagi
Dahil ito ang siyang mag tatawid sa'yo
Kahit na maputukan ka ng labi
Basta lumagari
Talasan ang tari
Tuwing maririnig mo 'to
Ang bago ni Gloc

Minsan mas mahal pa ang luma
Mas nilalapitan ang mura
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha

Minsan mas mahal pa ang luma
Mas nilalapitan ang mura
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha

Wala naman masama sa maging mahusay
Maipakita mo na ikaw ang may taglay
Sa huli ang isang mahalagang tanong ay
Alam mo ba kung ano ang tunay na tagumpay

Hayaan mo na pabaunan kita ng ilang pirasong tinapay bago ka pa man umalis
'Di ito usapan kung sinong pinakamabilis
Kung may maka lamang sa'yo 'di ka dapat mainis
Bagkos ay ikatuwa mo
Gamitin mo upang ang baso moy malagyan ng laman
Kunin mo sa mga may duda sa'yong kakayahan
Bumangon ka diyan upang 'di tuluyang madaganan
Para pawisan kailangan mong kumilos
Kasi sa panahon ngayon bihira nang puro bigay
Bakit tayo tinitipos
Kapag nauutusan natin ang mga nanonood na mag-ingay
Palakpakan at sigawan
Ang tangan na yaman ng mga tulad nating makata
Tama na ang yabang hip-hopang
Hidwaan putik lang ang siyang mapipiga
Sinong matiyaga

Naiinip na maghintay
Pagod na sa paghuhukay
Kung ang hakbang mo ay ngalay
Gamitin mo akong saklay

Minsan mas mahal pa ang luma
Mas nilalapitan ang mura
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha

Minsan mas mahal pa ang luma
Mas nilalapitan ang mura
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha

Akala mo tapos na
Mga tuhod ay ngalos na
Sa mainit na baga tinusta
Kanino pumusta
Sinong kasama sa nilista
Mga di naniwala kumusta
Di mo ba alam
Hanggang diyan ka lang
Ang laging laman
Ng mga salita na pinalaman
Anong tinatayo mo diyan
Sige kalagan
Dapat palaban
Nakahanda ka dapat na halikan
Kahit sa mga makamandag ay lumapit
Mataas mang sipatin ay abutin mong bigla
Hindi masamang sumabit
Dito ka sa kaliwa man o sa kanan
Puwede rin sa gitna
Ganyan lang ang buhay
Ang mahusay humandusay ang mga napagbibigyan
Tumayo kahit sumuray
Ang dugo ay siyang patunay
Mo na pag ibig 'yan

Hindi na kailangan na patunayan
Balewala 'yan
Kung 'di kinaya
May pagkakataon pa naman
Kahit na ikaw ay mapilayan
Ang 'yong kalagayan
Ay nakasalalay
Saan mo pinatong ang pinggan
Para meron ka pang magamit
Kung galit man ang langit
Di ka mabasa ng ulan
Ginawin ka sa gabi na malamig
Wala nang nakakaring
Sigaw mo ng pagkagipit
Palagi kang pinapagtaksilan
Sino tandaan mo lang

Minsan mas mahal pa ang luma
Mas nilalapitan ang mura
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha

Minsan mas mahal pa ang luma
Mas nilalapitan ang mura
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha

Minsan mas mahal pa ang luma
Mas nilalapitan ang mura
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha

Minsan mas mahal pa ang luma
Mas nilalapitan ang mura
Huwag na huwag kang magpapahadlang
Na makamit ang nais mong makuha

done

Did you add all the unfamiliar words from this song?