Your native language

عربي

Arabic

عربي

简体中文

Chinese

简体中文

Nederlands

Dutch

Nederlands

Français

French

Français

Deutsch

German

Deutsch

Italiano

Italian

Italiano

日本語

Japanese

日本語

한국인

Korean

한국인

Polski

Polish

Polski

Português

Portuguese

Português

Română

Romanian

Română

Русский

Russian

Русский

Español

Spanish

Español

Türk

Turkish

Türk

Українська

Ukrainian

Українська
User Avatar

Sonido


Interfaz


Nivel de dificultad


Acento



lenguaje de interfaz

es

Lyrkit YouTube Lyrkit Instagram Lyrkit Facebook
Política de cookies   |   Apoyo   |   FAQ
1
registro de inicio de sesión
Lyrkit

donar

5$

Lyrkit

donar

10$

Lyrkit

donar

20$

Lyrkit

Y/o apoyarme en las redes sociales. redes:


Lyrkit YouTube Lyrkit Instagram Lyrkit Facebook
Gloc-9

Sila

 

Sila

(álbum: Diploma - 2007)


Siya ay matangkad o pandak, payat, pwedeng mataba
Pag di mo siya kilala sa tingin di mo halata
Ang kulay o kung gaano kakapal ang kanyang mukha
Dalawang kamay, dalawang paa pero utak talangka

Siya ay matangkad o pandak, payat, pwedeng mataba
Pag di mo siya kilala sa tingin di mo halata
Ang kulay o kung gaano kakapal ang kanyang mukha
Dalawang kamay, dalawang paa pero utak talangka

Sila na ang tanging alam ay ang maghusga ng iba
Pero hindi naaamoy ang sariling baho nila
Nagagalit pag may nakikitang iba na masaya
Gumagamit ng kapwa para lang malamangan nila'ng ibang tao kahit na pano
Hindi nanghihinayang ipakita sa mga tao kung gano kagaspang ang ugali sana'y mabali at hindi na pamarisan nang mapigilang dumami tanging palatandaan

Siya ay matangkad o pandak, payat, pwedeng mataba
Pag di mo siya kilala sa tingin di mo halata
Ang kulay o kung gaano kakapal ang kanyang mukha
Dalawang kamay, dalawang paa pero utak talangka

Panibugho ay karamdaman na wala nang lunas
Kahit anong gawin mo hahanapan ka ng butas
Pati bata ginagago, palibhasa kasi bago
Bakit di ka pa magbago, alimasag, alimango

Itaya mo nang lahat, pakilatag pati pato
Para lang makatanggap ng palakpakang masigabo ay kailangan mong ialay laway, pawis at dugo
Pero nandyan sila, nilamon ng panibugho

Pag ika'y umasenso meron agad magtatangka
Na ika'y pabagsakin gaya ng mga talangka
Kaya naman namamangha ang mga nagbabanta na bumangga sa'king barko tataob ang iyong bangka

Wala ka namang panalo, anong mapapala mo
Mabuti pa siguro maghanap ka ng trabaho
Kaysa sa maghusga ka, di mo ako kilala
Pero kilala kita, isa ka sa kanila

Siya ay matangkad o pandak, payat, pwedeng mataba
Pag di mo siya kilala sa tingin di mo halata
Ang kulay o kung gaano kakapal ang kanyang mukha
Dalawang kamay, dalawang paa pero utak talangka

Saydang nagkrus ang aming landas, sa wakas bukas na ang aming pinto
Muling mamamayagpag at walang makakasugpo
Sa muling pagbangon ay aahon ng panibagong yugto
Ng kabanata ng aming istoryang hindi hihinto

Sa kabilang panig ay nagbabalak na namang maparisan
Sige subukan tignan ewan kung di ka pagpawisan
Sa kakaisip ng panibagong hakbang at galaw
Subalit ang katotohanan ay walang kaagaw

Ang katulad namin na dalubhasang sumulat ng letra
Mga pangungusap kong kailanman'y di mo kayang ikwenta
Sa dami ng gustong umentra sinubukang mapalitan
Ngunit laglagan di makayanan tanggapin ng ilan

Kahit na sino pa yan ay hindi ko sasantuhin
Hindi mo ko palamang kaya wag mo kong babastusin
Kalimutan mong kayang agawin pang aming mga trono
Pagka't laging pambihirang aming kataga't mga tono, tara!

Ang di ko lang maintindihan ay bakit sakin nagalit
Ng may isang taong sakin ay makataong lumapit
Humingi ng tulong ukol sa mga bago niyang awit
Ay marating ang pangarap na kay tagal niyang hinanap

Subukang mo ngang ilagay ang iyong mga paa
Sa kanyang kinatatayuhan wala kang pinag iba
Dahil malamang siya sayo ay nakahihigit pa
Nakayanang niyang umamin kahit nakapikit pa

Siya ay matangkad o pandak, payat, pwedeng mataba
Pag di mo siya kilala sa tingin di mo halata
Ang kulay o kung gaano kakapal ang kanyang mukha
Dalawang kamay, dalawang paa pero utak talangka

Siya ay matangkad o pandak, payat, pwedeng mataba
Pag di mo siya kilala sa tingin di mo halata
Ang kulay o kung gaano kakapal ang kanyang mukha
Dalawang kamay, dalawang paa pero utak talangka

hecho

¿Agregaste todas las palabras desconocidas de esta canción?