Your native language

عربي

Arabic

عربي

简体中文

Chinese

简体中文

Nederlands

Dutch

Nederlands

Français

French

Français

Deutsch

German

Deutsch

Italiano

Italian

Italiano

日本語

Japanese

日本語

한국인

Korean

한국인

Polski

Polish

Polski

Português

Portuguese

Português

Română

Romanian

Română

Русский

Russian

Русский

Español

Spanish

Español

Türk

Turkish

Türk

Українська

Ukrainian

Українська
User Avatar

Sonido


Interfaz


Nivel de dificultad


Acento



lenguaje de interfaz

es

Lyrkit YouTube Lyrkit Instagram Lyrkit Facebook
Política de cookies   |   Apoyo   |   FAQ
1
registro de inicio de sesión
Lyrkit

donar

5$

Lyrkit

donar

10$

Lyrkit

donar

20$

Lyrkit

Y/o apoyarme en las redes sociales. redes:


Lyrkit YouTube Lyrkit Instagram Lyrkit Facebook
Ron Henley

Mana

 

Mana


"What always is an essential element in the creative is the mysterious. The dark. It's like the black in lacquer. The impenetrable. And yet the profound depth out of which glorious things come but nobody can see why. There's a poem which says that when the bird calls, the mountain becomes more mysterious"

Sa musika ako unang nalulong
Sa kwarto maghapong nagpapatugtog, nagkukulong
Akala ng iba baliw kasi mag-isang bumubulong
Di lang nila alam na minsan pag sinusumpong
Ng mga salitang pulu-pulutong
Isip ko di mapigilang tumugon
Lalong-lalo na nung narinig ko yung
"Way I Am" ni Eminem, tangina men ang galing din!
Sabay kuha ng itim na ballpen
Sinubukan kong itugma yung dingding sa tingting
Ganun din sa singsing, chedeng
Ineng, maging sa bling-bling, bitin parin
Problema ko pa kung alin ang gagamitin at pano pagkokone-konektahin
Teka meron lang akong tetestingin, baka kako magawa kong perpiken
Pinagpuyatan kong hinanap ang liwanag sa
Nilalakaran kong lansangan kung san ang dilim-dilim
Sinubukan kong tumikim-tikim, umupo, umubo ako, ehem-ehem
Kusang nagpakita yung talang nagturo sa
Bagong silang na supling dun sa Betlehem
Ika-dalawampu ng Mayo, mil nobesyentos otsentay sais
Mag-aalas siyete ng gabi, may nanay na ire ng ire, pawis na pawis
Abong isinaboy padala mula sa kometa nung dito sa planeta dumaplis
Tibok ng puso'y bumilis
Senyales na araw ng martes ang labas ko ng matris
Matinding liwanag ang aking nasipat
Kahit mata'y di ko pa maidilat, kaligayahan ang aking agimat
Alam kong ligtas ako sa kanyang balikat
At atat nakong makita ang araw
Sa kanyang paglubog at sa kanyang pagsikat
Buwan-buwan ma'y palipat-palipat
Pero tandaang pag gabi, may bituing kumukutitap
Ako yung toothpick nangarap maging banana cue stick
Turo ng mga mapaglarong daliri ni Ludwig
Kwaderno ko'y parang naging
Pinagsama-samang pisara nila Da Vinci at Euclid
Marami-raming punit
Inaral ko ilang ulit ngunit di ko nagawang maging bihasa sa pagguhit
Di ko namamalayang may mga larawang
Maipipinta sa tala-talatang letrang aking naiukit
Gusto mo ba ng kakaibang romansa?
Yung tipong mapapasayaw ka ng cha-cha
Pagkatapos kong isawsaw tong taco sayong salsa
Mula Marikina, dumayo ng Tanza
Tapos bumisitang Pasacao at Naga
Pinakita sakin ang Pasig at Qc para
Sabihin lang na wag mawalan ng Pag-Asa
Makauwi na nga sa amin
Pero bago ang lahat, magdudugo muna dun sa bahaging
Dibdib bakasakaling marinig ninyo ang pahaging, masabing
Ito'y tagos sa damdamin
Pwes tsob, tsa, tagilid, aken
Subukan mong languyin ang lalim, wag mo ng hintayin
Pulikatin, at maging pagkaen
Ng mga butanding sa baybayin ng Lingayen
Naisip ko sa kanto, sinulat ko sa banyo
Pangarap ko lang marinig sa radyo
Nakakapanibago
Nakakapagtaka biglang bait ng mga tao
Mga nakahaing nakakaengganyo
Oo may kontrata na tayo
Kaya ngayon pano, napapraning nako
Magpapabiktima ba'ko
Sa mga maiitim nilang plano
Bigyan nyoko ng patas na laban
Wag nyo naman kunin lahat ng laman sa menudo
Baka matira sakin patatas at sarsa na lamang
Sa dumi ng pulitika di na kaya ng ilang sabon
Umabot nako ng dalawampu't syam na
Taon, sistema'y bulok parin hanggang ngayon
Nagtanim ako sa isang bakanteng
Lupain, di ko akalaing may makakapansin
Tapos nung may nakarating andami
Rin palang magmamagaling, makikiangkin
Madalang ko lang silang nakikita nung ako'y gumagapang
Kaso nung ako'y nakatayo na sa sarili
Kong paa, sasabihin ng iba yumayabang
Wag mokong husgahan
Di pa kita nakakasalamuha sa damuhan, itigil mo na yan
Di ka nga gumagamit pero ugali mo'y adik sayang naman
Kung ako sayo itira mo nalang
Wala na bang matinong kausap
Tira nila'y dakdakan, akin nama'y hook shoot
Kung gusto mo ng pataasan ng talon, sige mauna ka don sa rooftop
Makaramdam ka naman ng dagok sa bumbunan
Parang kinukunan habang pinupugutan
Mga kalawanging pako na galing impyerno ang pinaghuhugutan
Pinagtagpi-tagpi kong barong, pinaghalu-halong kahoy, bakal at gulong
Limas pati pinaghirapan kong bubong
Gusto nila sa kahon ako ikulong
Di naman kasya ang mga tulad kong annunaki don
Tuyong-tuyo ako noong Pasko, Bagong Taon ako ay napadaing
Sana sa Mahal na Araw
Punuin Nya yung salin ng aking balde-baldeng panalangin
Nagrolyo ako ng papel, hindi pambalot
Wag kang matakot, alam kong di ka madamot
Umaasa lang akong makalibreng batok
"Bakit ba nandito to? ang agresibo mo
Ito na yung kapiraso ng lupang kinita mo
Diba hiningi mo to?
Pero pano mo mapapatunayang sayo, eh wala ka ngang titulo"
Kung ipagpapatuloy ko to, aabutin tayo ng umaga
Humanda ka! makukuha ko rin naman yung
Dapat ay sa akin, parating na yung mana...

hecho

¿Agregaste todas las palabras desconocidas de esta canción?