Your native language

عربي

Arabic

عربي

简体中文

Chinese

简体中文

Nederlands

Dutch

Nederlands

Français

French

Français

Deutsch

German

Deutsch

Italiano

Italian

Italiano

日本語

Japanese

日本語

한국인

Korean

한국인

Polski

Polish

Polski

Português

Portuguese

Português

Română

Romanian

Română

Русский

Russian

Русский

Español

Spanish

Español

Türk

Turkish

Türk

Українська

Ukrainian

Українська
User Avatar

Geluid


Koppel


Moeilijkheidsgraad


Accent



interfacetaal

nl

Lyrkit YouTube Lyrkit Instagram Lyrkit Facebook
Cookie beleid   |   Steun   |   FAQ
1
registreren / inloggen
Lyrkit

doneren

5$

Lyrkit

doneren

10$

Lyrkit

doneren

20$

Lyrkit

En/of steun mij op sociaal gebied. netwerken:


Lyrkit YouTube Lyrkit Instagram Lyrkit Facebook
Gloc-9

Atik Laham

 

Atik Laham

(album: Talumpati - 2011)


[Chorus: Wency Cornejo]
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Kung ang matatanaw ko ay ang hinaharap sa paglingon
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Sasabihin ko na minamahal kita

[Gloc-9:]
Nahukay ang pantay na lupa
Nagalisan ang mga tao
Tumigil ang iyakan na di kailangan ng kabaong
At mga ilaw na may sindi kahit tanghaling tapat
Talulot ng mga bulaklak sa sahig kalat kalat

Sinoli sa funeraria ang hiniram na bentilador
Sinabing di na namin kailangan ng embalsamador
Tumigil ang pagdurugo naghilom ang mga sugat
Ang mga nayuping bakal ay dahan dahang naunat

Walang naulat na nasawi o kahit nasaktan
Lumabas sa ospital na saki'y pinagdalhan
At sa loob ng sasakyan sa kalsada'y walang sagabal
Ang dating mabilis na takbo ng kotse'y bumagal

Alam ko ako'y galit bakit ngayon ay huminahon
Pilit kong tinatandaan anong nangyari kahapon
Dumating ako sa amin walang tao sa labas
Nang biglang ang nakasarang pintuan ay bumukas

[Chorus: Wency Cornejo]
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Kung ang matatanaw ko ay ang hinaharap sa paglingon
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Sasabihin ko na minamahal kita

[Gloc-9:]
Pumasok sa loob ng bahay ngunit bakit ang tahimik
Iba ang pakiramdam parang ako'y nananaginip
Nang aking nakita kinilabutan ako'y napapikit
Umiikot ang segundo sa relo ng pabalik

Lumapit ang aking anak kumapit sa aking kamay
At sinabi sakin buti bumalik ka itay
Kawawa naman si inay nasa kwarto walang kasama
Lumakad at pinuntahan ko ang aking asawa

Nakalupagi sa sahig matay namumugto
Hindi ko malilimutan ang mga sumunod na yugto
Mga nagkabasag basag na salamin ay nabuo
At umaagos na luha sa kanyang matay natuyo

Bakit hindi kumikibo di naman nagbibiro
Ako'y kanyang minasdan tingi'y hindi lumiliko
Bigla kong naalala ang sigawan at ang tulakan
Parang balong puno ng tubig lahat ay natandaan

[Chorus: Wency Cornejo]
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Kung ang matatanaw ko ay ang hinaharap sa paglingon
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Sasabihin ko na minamahal kita

[Gloc-9:]
Alas kwatro ng madaling araw ay umuwing lasing
Dinadaan daanan lang kita't hindi pinapansin
Hindi mo na kayang tiisin parang mata na may puwing
Nang ako'y iyong tanungin aking paningin ay nag dilim

Parang malapot na dura ang lumabas na salita
Aking sagot sa iyong tanong ay kumikirot na pasa
Ako'y lumayas tumakas maangas ang pagmumukha
Na parang ahas matalas ang malas kapag tumuka

Halos wala nakong buhay nang ako'y datnan sa ospital
Gusto lo lang malaman mo kung pwede lang mangumpisal
Paano magumpisa aminin bawat isa
Pagtalikod sa pangako natin sa isa't isa

Sating pag sasama ika'y aking isinantabi
Ngunit sa kabila ng lahat ika'y nasaking tabi
Mahirap o madali, umaga man o gabi
Ang ako'y napagsilbihan hindi ka nagmamadali

Alam kong lahat ng nagawa ko sa iyo'y kabaliktaran
Ng tunay kong naramdaman para sa iyo nasayang lang
Nais ko mang malaman mo ngunit lahat ay huli na
Bago masabi ako'y nalagutan ng hininga

[Chorus: Wency Cornejo]
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Kung ang matatanaw ko ay ang hinaharap sa paglingon
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Sasabihin ko na minamahal kita

Sasabihin ko na minamahal kita

klaar

Heb je alle onbekende woorden uit dit nummer toegevoegd?