Your native language

عربي

Arabic

عربي

简体中文

Chinese

简体中文

Nederlands

Dutch

Nederlands

Français

French

Français

Deutsch

German

Deutsch

Italiano

Italian

Italiano

日本語

Japanese

日本語

한국인

Korean

한국인

Polski

Polish

Polski

Português

Portuguese

Português

Română

Romanian

Română

Русский

Russian

Русский

Español

Spanish

Español

Türk

Turkish

Türk

Українська

Ukrainian

Українська
User Avatar

Geluid


Koppel


Moeilijkheidsgraad


Accent



interfacetaal

nl

Lyrkit YouTube Lyrkit Instagram Lyrkit Facebook
Cookie beleid   |   Steun   |   FAQ
1
registreren / inloggen
Lyrkit

doneren

5$

Lyrkit

doneren

10$

Lyrkit

doneren

20$

Lyrkit

En/of steun mij op sociaal gebied. netwerken:


Lyrkit YouTube Lyrkit Instagram Lyrkit Facebook
Loonie

Eskapo

 

Eskapo


(Kapayapaan sa sarili kailan ko pa ba matatagpuan
Araw-araw na lang ang pag-aalala parang wala na siyang katapusan)

Dumudugo ng luha ang mga mata pag ang puso'y sugatan
Gusto ko nang lumuha ng dugo, para ulo'y gumaan
Gusto ko nang matulog, bukas ipagpapatuloy ko na lang
Baka alam mo kung saan ang tamang daanan pakituro mo naman
Kasi gusto kong tingnan kung nasa'n nga ba ang pinagbuhatan
Ng kasalukuyan, ang hinaharap ay pinangunahan
Pinarusahan nabilanggo sa nakaraan na kinamulatan
Hindi na rin makapaghintay pa sa pagdating ng kinabukasan
Kaya ako ay pumalaot, nagpaanod, at inabot pa ng bagyo
Sumasabog ang mga alon at pinasok na ang barko
Ang kisame ng kabaong ko'y puro kalmot ng kuko
Ramdam ko na naman bigla ang ginaw na bumabalot sa buto, nako po

Habagat na ang ihip, pag malamig magkumot
Magdamag nasa isip, masasakit na hugot
Masamang panaginip, ang kalakip ng tulog
Kaharap pagkagising, mas malaking bangungot
Kaya...

Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
Di ko na alam kung saan ako dinadala
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
Minsan gusto ko na lang na mawala na

Huwag kang, magpapalimita sa iisang plano ('wag na 'wag, 'wag na 'wag)
Imbis na mainip pagisipan pa ng maigi kung pa'no (magdamag, magdamag)
Malimit mahilig magbilin sa ibang tao
Ngunit tila di ko masunod sunod ang sarili kong payo
Katahimikan nakahiligan, kapaligiran parang libingan
At kahit minsan walang bisita nasa dilim at nakangiti lang
Naging pihikan sa pagibig, maging sa kaibigan
Napili kong piitan ay ang sarili kong isipan
Kaya maya't maya natataranta sa mga nakaamba na pangamba
Kailangan ng pampakalma ayoko nang maalala ang pagaalala
Nakakawala ng gana, isip ay parang ibong lumilipad
Sa loob ng hawla na gawa sa mga negatibong posibilidad

Habagat na ang ihip, pag malamig magkumot
Magdamag nasa isip, masasakit na hugot
Masamang panaginip, ang kalakip ng tulog
Kaharap pagkagising, mas malaking bangungot
Kaya madalas ay...

Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
Di ko na alam kung saan ako dinadala
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
Minsan gusto ko nalang na mawala na

Minsan lapis at papel ang mas madaling kausap
Sakit sa ulo, ang sabi ng iba ito'y sakit sa utak
Kada gabi nagmamadali na makarating sa ulap
Bukas magkatabi na butas ng ilong may nakatakip na bulak
Balisong sa pulso, kwarenta'y singkong nakatutok sa bibig
Pero parang gusto ko yung kumot nakapulupot sa leeg
Ang gulo ng buong daigdig, wala naman yatang gustong makinig
Mas masarap pang mamundok, o kaya magmukmok sa sulok ng pook na liblib
Puno ang dibdib ng kawalan ng pag-asa parang kusang sumusuko ang katawan sa mga pasan na wala ng hupa
Para kang sa Alcatraz pumuga, sa taas ay nakakalula
Makaalpas ka man sa mga bara paglabas ay wala nang lupa
At kung makatakas ka man, mahal mo naman sa buhay ang sasakluban
Nakakabuwang, lahat tayo balang araw isa lang ang hahantungan
Kapayapaan sa sarili tsaka ko na lang to natagpuan
Nung ang makitid ko na pagiisip ang siyang nagawa ko na matakbuhan

Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
Di ko na alam kung saan ako dinadala
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala
Minsan gusto ko nalang na mawala na

klaar

Heb je alle onbekende woorden uit dit nummer toegevoegd?