Your native language

عربي

Arabic

عربي

简体中文

Chinese

简体中文

Nederlands

Dutch

Nederlands

Français

French

Français

Deutsch

German

Deutsch

Italiano

Italian

Italiano

日本語

Japanese

日本語

한국인

Korean

한국인

Polski

Polish

Polski

Português

Portuguese

Português

Română

Romanian

Română

Русский

Russian

Русский

Español

Spanish

Español

Türk

Turkish

Türk

Українська

Ukrainian

Українська
User Avatar

Som


Interface


Nível de dificuldade


Sotaque



Interface de linguagem

pt

Lyrkit YouTube Lyrkit Instagram Lyrkit Facebook
Política de cookies   |   Suporte   |   FAQ
1
cadastre-se / faça login
Lyrkit

doar

5$

Lyrkit

doar

10$

Lyrkit

doar

20$

Lyrkit

E/ou me apoie nas redes sociais. redes:


Lyrkit YouTube Lyrkit Instagram Lyrkit Facebook
Gloc-9

SA'KIN 'YAN

 

SA'KIN 'YAN


[Gloc-9:]
Ikaw na naman 'di ba kalalabas mo lang ng
Bagong kanta na para bang kailan lang
Ikaw na naman 'di ba kalalabas mo lang ng bagong kanta
Marami pa
Apir tayo diyan G-code
Goodson!
Pang ilan na ba 'to?
Natumbak mo pare
Natumbak mo ng mismo

Sino ang polido?
Maging ang anino
Ilaw na laging nakasindi kahit kanino
Tawagin mo dito hipan mo ang pito
Mga letrang malagkit na parang bagong pustiso

Turo-turuan kung kaninong hagdan
Ang mas maraming baitang
Ilan ang hinakbang
Pababa, pataas
Sinong tagapagmana?
Hayaan mong sabihin kong ayaw ko ng korona
Hindi sa'kin 'yan

Dahil ang nais ko lang noon ay makapag
Sulat ng mga awit kahit na pabalibag
Ang mga tono tinodo ko, medyo malibag
Ang kailangan lunukin 'yan lang ang realidad
Naglalakad ng mag-isa papunta sa opisina
Dala ang demo baka sakaling maipakita
Ang taglay na kanta'y ilalahad kung luto na
Kumain ka na ba ng tanghalian? Hindi pa
Huwag mo kaming tatawagan kaming tatawag sa'yo
Iwanan mo dun sa guwardya sa harapan ang number mo
Diyan ko laging nilalaan ang parte ng sweldo ko
Sa paglinis ng kusina kung minsan tagasalo
Kalahating sakong bigas isampa mo dun sa truck
Hawakan mo ang itlog baka mabasag sa lubak
Ibabawas 'yan sa'yo kapag may isang nabiyak
Kahit na 'di sigurado ay merong isang tiyak

Sino ang polido?
Maging ang anino
Ilaw na laging nakasindi kahit kanino
Tawagin mo dito hipan mo ang pito
Mga letrang malagkit na parang bagong pustiso

Turo-turuan kung kaninong hagdan
Ang mas maraming baitang
Ilan ang hinakbang
Pababa, pataas
Sinong tagapagmana?
Hayaan mong sabihin kong ayaw ko ng korona
Hindi sa'kin 'yan

Sa madaling salita hindi naging madali
Lahat ng buo na binayad inipon ko ang sukli
'Pag lahat ay tinatamad ako'y 'di nag-atubili
Nasipagan upakan hulaan kahit magkamali
Basta subok lang ng subok, huwag bilangin kung ilan
Itinaas ko ang kamay hanggang sa matandaan
Ako ng guro tinuro kung sa'n ang tamang daan
Narating din ang palasyo na tirahan ng ilan
Hindi nahilig sa mga kinang ng mga alahero
O magagarang gulong na kasing ingay ng bumbero
'Pag mabilis ang takbo agad na pumipreno kaya
Bubungan sa'king ulunan pirma ko ang nasa yero
Kahit na dalawang dekadang mahigit na 'kong paos
At kailan ma'y 'di ako nasindak sa salitang laos
Ako nang magsasabi sa bangka na tapos na kung tapos
Hindi 'yan kasya sa'kin, alam kong ang ulo ko'y kapos

Sino ang polido?
Maging ang anino
Ilaw na laging nakasindi kahit kanino
Tawagin mo dito hipan mo ang pito
Mga letrang malagkit na parang bagong pustiso

Turo-turuan kung kaninong hagdan
Ang mas maraming baitang
Ilan ang hinakbang
Pababa, pataas
Sinong tagapagmana?
Hayaan mong sabihin kong ayaw ko ng korona
Hindi sa'kin 'yan

[Honcho:]
Meron lang akong gustong sabihin
Sa mga dapat na makaalam baka isiping
Kunsintihan 'to at ibahin ang meaning
Kailangan kong sulitin sulat ko baka silipin
Hoy gumising! Mag-iba ka na, 'wag kang magpapakain
Ng inggit sa katawan ay palayasin, pabagahin
Utak mong kalawangin ay linisin palawakin
Sana mag-iba ka na para isa ating hangarin
At ng magaya ka din sa'kin makasama ka sa awit ni Gloc
Sa'ming lipad kahit na mabigat
Ang imposible ay posible basta magsipag
'Wag kang paawat at gawin dapat ang abilidad
Kasi alam mo na pwede kang mabilang sa mga tanyag
Pero 'wag masilaw, pwede kang magkaroon ng hindi mabilang
Na tagahanga nakatapat na sa'yo ang ilaw
'Di na kailangan ng korona

[Gloc-9 (Honcho):]
Sino ang polido? (Sino)
Maging ang anino
Ilaw na laging nakasindi kahit kanino
Tawagin mo dito (dito) hipan mo ang pito (prrt)
Mga letrang malagkit na parang bagong pustiso

[Gloc-9:]
Turo-turuan kung kaninong hagdan
Ang mas maraming baitang
Ilan ang hinakbang
Pababa, pataas
Sinong tagapagmana?
Hayaan mong sabihin kong ayaw ko ng korona
Hindi sa'kin 'yan

Sino ang polido?
Maging ang anino
Ilaw na laging nakasindi kahit kanino
Tawagin mo dito hipan mo ang pito
Mga letrang malagkit na parang bagong pustiso

Turo-turuan kung kaninong hagdan
Ang mas maraming baitang
Ilan ang hinakbang
Pababa, pataas
Sinong tagapagmana?
Hayaan mong sabihin kong ayaw ko ng korona
Hindi sa'kin 'yan

feito

Você adicionou todas as palavras desconhecidas dessa música?