Your native language

عربي

Arabic

عربي

简体中文

Chinese

简体中文

Nederlands

Dutch

Nederlands

Français

French

Français

Deutsch

German

Deutsch

Italiano

Italian

Italiano

日本語

Japanese

日本語

한국인

Korean

한국인

Polski

Polish

Polski

Português

Portuguese

Português

Română

Romanian

Română

Русский

Russian

Русский

Español

Spanish

Español

Türk

Turkish

Türk

Українська

Ukrainian

Українська
User Avatar

Som


Interface


Nível de dificuldade


Sotaque



Interface de linguagem

pt

Lyrkit YouTube Lyrkit Instagram Lyrkit Facebook
Política de cookies   |   Suporte   |   FAQ
1
cadastre-se / faça login
Lyrkit

doar

5$

Lyrkit

doar

10$

Lyrkit

doar

20$

Lyrkit

E/ou me apoie nas redes sociais. redes:


Lyrkit YouTube Lyrkit Instagram Lyrkit Facebook
Ron Henley

Paliparan

 

Paliparan


'Di sa pagdadrama
Mas malungkot pa sa bagsak ng tunog na'to ang aking nadarama
Ako ay lumuluha patago habang nakatayo
Pinagmamasdan ka papalayo
Sa bawat pagsubok alam kong tayo ay lalago
At sa alaala ko habambuhay naka-tato
Minsan may araw na hindi pinapalaro ni Jawo
Kahit bano, sinamahan mokong maupo sa may bangko
Basa man ang lansangan, tuyo man ang ulam
Tayo'y nababalot sa kumot at unan
At tanging sa platito lang ang ating tagpuan
Sa mundo kung pinagkasundo ang asukal at suman
Umapaw ng larawan at tawanan magdamagan
Magkahawak ng kamay inaabot ang kalawakan
Masyado tayong nagsaya
Naniningil ang kalungkutan at ang pintuan ay tuluyan na ngang nagsara

Ang tag-init umabot na ng anim na buwan
Kung minsan tatlong linggo lang
Ngunit sa tuwing bumabalik siya ng kanyang kaharian
Halos laging tag-ulan

Halos laging tag-ulan, halos laging tag-ulaaan
Halos laging tag-ulan pag nagpapaalam
Sa tuwing ihahatid ko ang aking kasintahan
Sa paliparan

Nasaktan lang kita, habang wala ka
Ako'y nasa kama ng iba, di ko talaga kayang mag-isa
Gantihan hanggang sa lumala, nagkasakitan
Praningan dahil puro kasinungalingan
Di ko na kelangang salagin, ako ang salarin
Kaya minsan nahihiyang harapin ang aming salamin
Dahil nagawa ko'to sa babaeng nagmahal ng wagas sa akin
Nagnais lang namang maibalik ang tingkad ng dating
Kulay ng pag-iibigan na parang bahaghari
Kung sa'n panay bulaklak at masagana yung ani
Pinaghalong lungkot at panghihinayang
Ilang taon ding iginapang, nawala lang, tuluyan lang nasayang
Baon mo ang ating plano pagsakay ng eroplano
Kaso sabay sa'yong paglipad, agad itong naglaho
Bago ka umalis at bago rin ito matapos
Nais ko lang munang magpaalam sa'yo ng maayos, uh!

Ang tag-init umabot na ng anim na buwan
Kung minsan tatlong linggo lang
Ngunit sa tuwing bumabalik siya ng kanyang kaharian
Halos laging tag-ulan

Halos laging tag-ulan, halos laging tag-ulaaan
Halos laging tag-ulan pag nagpapaalam
Sa tuwing ihahatid ko ang aking kasintahan
Sa paliparan

Tapos na nga ba tayo? o baka naman hindi pa
Bakit mali pa rin ng isa't-isa ang ating nakikita?
Nababawasan na nga ba ang paglalambingan natin?
Para akong lalagnatin sa t'wing nanlalamig ka sakin
Marahil nagawa ko lang 'to
Dahil may mga nagawa ka rin sa akin na nasaktan ako
Kaya nu'ng nalulungkot ka, ako yung hinahanap mo
Ngunit mas pinakinggan ko yung tawag ng laman kesa sa tawag mo
Di naman kailangang magka-ilangan dahil lamang nagkasigawaan
Kung ika'y nahihirapan, ang bigat gumagaan 'pag binibitawan
Parang tubig sa bakal, hinangin tapos kinalawang
Nakalusot ka sa lansangang akala ko'y walang kaliwaan
Kaya salamat nalang sa pabaong alaala
May napulot akong aral sa ating pagsasama
Buhol-buhol man ang sinulid ng ating kahapon
Ay naitawid naman natin sa butas ng karayum

Ang tag-init umabot na ng anim na buwan
Kung minsan tatlong linggo lang
Ngunit sa tuwing bumabalik siya ng kanyang kaharian
Halos laging tag-ulan

Halos laging tag-ulan, halos laging tag-ulaaan
Halos laging tag-ulan pag nagpapaalam
Sa tuwing ihahatid ko ang aking kasintahan
Sa paliparan

Sa tuwing may bagong darating ay meron ding naiiwanan
Palakad-lakad mag-isa sa may hintayan
Sa tuwing may bagong darating ay meron ding naiiwanan
Andami pa nating sinasabe, anim na letra lang ang salitang "PAALAM"

feito

Você adicionou todas as palavras desconhecidas dessa música?