Your native language

عربي

Arabic

عربي

简体中文

Chinese

简体中文

Nederlands

Dutch

Nederlands

Français

French

Français

Deutsch

German

Deutsch

Italiano

Italian

Italiano

日本語

Japanese

日本語

한국인

Korean

한국인

Polski

Polish

Polski

Português

Portuguese

Português

Română

Romanian

Română

Español

Spanish

Español

Türk

Turkish

Türk

Українська

Ukrainian

Українська
User Avatar

Звук


Інтерфейс


Рівень складності


Акцент



мова інтерфейсу

uk

Lyrkit YouTube Lyrkit Instagram Lyrkit Facebook
1
зареєструватись / увійти
Lyrkit

донат

5$

Lyrkit

донат

10$

Lyrkit

донат

20$

Lyrkit

Та/Або підтримай мене в соц. мережах:


Lyrkit YouTube Lyrkit Instagram Lyrkit Facebook
Gloc-9

Hindi Pa Tapos (from "Bonifacio: Ang Unang Pangulo" soundtrack)

 

Hindi Pa Tapos (from "Bonifacio: Ang Unang Pangulo" soundtrack)


[Denise Barbacena:]
Di uusad kung lakad ay paatras
Nakakandado ang dapat na bukas
Bumangon, at nang maunawaan mo
Kung ano ang siyang ipinaglaban ko

[Gloc-9:]
Habang panahon na lang ba tayo magtuturuan
At sa malambot na higaan ay maguunahan
Sigawan at sumabatan ng anumang kakulangan
Bago pa mapunta sa iba, teka ako naman
Sino bang may kasalanan at madumi ang mukha
Kahit busog na sa palay, nakabaon ang tuka
Paano maniniwala kung palaging sagot ay baka
Wala namang tumutugma, pero tula ng tula
Kaya minsan ba'y naisip ko na ang noon
Ay katulad din ng mga kinakaharap ngayon
Huwag magtaka kung bakit lumalabo ang tubig sa balon
Dahil hanggang ngayon ay 'di pa tapos ang rebolusyon

[Denise Barbacena:]
Di uusad kung lakad ay paatras
Nakakandado ang dapat na bukas
Bumangon, panindigan mo ang tugon
Dahil 'di pa tapos ang rebolusyon

[Gloc-9:]
Ang nais ko rin naman ay mapayapang paraan
Ngunit kailangang sumalag kapag ika'y inundayan
Ng patalim sa dilim, nagkalat na sakim
Mga maliliit lamang ang nadidiin
Ipinasa ang itak na ginagamit sa digmaan
Para sa akin ang matapang ay ang siyang nangibang bayan
Ang taga-ani'y mga bagong bayani na tugon
Sa hindi matapos at paulit-ulit na tanong
Kaibigan, minsan ba'y naisip mo na ang noon
Ay katulad din ng mga kinakaharap ngayon?
Huwag magtaka kung bakit lumalabo ang tubig sa balon
Dahil hanggang ngayon ay 'di pa tapos ang rebolusyon

[Denise Barbacena:]
Di uusad kung lakad ay paatras
Nakakandado ang dapat na bukas
Bumangon, at nang maunawaan mo
Kung ano ang siyang ipinaglaban ko

[Gloc-9:]
Di ako nagkaroon ng pagkakataon na makapagpakilala
Simula noon ang tawag nila sa akin ay ang pasimuno
Habang ang nais ko lamang naman ay mamuno
At ituro ang daan, katulad niyo rin naman
Akong itinulak sa burak pagkatapos pagbintangan
Ng mga taong aking itinuring na kapatid
Gamit na kutsilyo, lubid na hawak ay pinatid
Lahat ay kailangang lumaban kapag inaapi na
Kahit dumanak ang dugo at ang puti'y maging pula
Matapos ang lahat ng isinulat at sinabi nila
Kung sino ako talaga ay kilala mo ba?

[Denise Barbacena:]
Lupang tinatapakan mo, bakas na nilakaran ko
Dusang binabalikat mo ay ang siyang binuhat ko
Lupang tinatapakan mo, bakas na nilakaran ko
Dusang binabalikat mo ay ang siyang binuhat ko

Di uusad kung lakad ay paatras
Nakakandado ang dapat na bukas
Bumangon, at nang maunawaan mo
Kung ano ang siyang ipinaglaban ko
Di uusad kung lakad ay paatras
Nakakandado ang dapat na bukas
Bumangon, panindigan mo ang tugon
Dahil 'di pa tapos ang rebolusyon

готово

Ти додав собі всі незнайомі слова із цієї пісні?