Ang Parokya
(专辑: Pogi Years Old - 2016)
[Chito:] Dalawang dekada na pala tayong naglolokohan At tulad ng sinabi ko noon walang iwanan At kahit na anong mangyari, pare steady ka lang Pangako namin sa inyo palaging tandaan Na ang Parokya kahit na hindi magaling Kami ang bandang hindi nila kaya patayin Tumatanda na pero nandito pa rin At habambuhay kaming maghahasik ng lagim Nandyan si Dindin, ang drummer naming cute na cute Kaibigan ko na sya mula nung '82 Hanggang ngayon hindi pa rin marunong mag-commute Pati mag drums pero ok lang yan chong, salute Grade 3
nung nakilala ko si Montaner Ang aming back up extra ordinaire Sa bawat gig handa syang magpakamatay Kasi nag-iisa yung kanta nya, yung Picha Pie Si Buhawi, pinakamagulong bahista Magaling, malupit, para syang karatista Pag inyong makita, kala mo rakista Pero gusto nya lang talaga maging fashionista Si Gab, gitarista namin na malupit Anak ng teacher kaya akala mo mabait Pero kung minsan inaatake ng kulit Nawawala bigla ang modo, banatan sa **** At ang huli, si Darius Gerard Semaña Ang pinakamatandang member ng Parokya Wala kaming mahanap na ibang gitarista Kaya kinuha namin sya kahit Lasalista Ang Parokya kahit na hindi magaling Kami ang bandang hindi nila kaya patayin Tumatanda na pero nandito pa rin At habambuhay kaming maghahasik ng lagim [Gloc9:] Ako si Gloc9 batang Binangonan Rizal Sipag tyaga dugo pawis na may kasamang dasal Di pwedeng mainip kahit na gaano pa katagal Kapag uhaw handang uminom ng tubig sa kanal Balikan natin ang storya, nanalo ng trophy, si Chito Miranda nakita ko sa kod-li Ako'y napa-isip at medyo nangarap ng konti, baka nga may mapala ang isang makatang promdi Lumipas ang isang taon, may tumawag sakin nang sabihin nya kung sino sya gusto ko syang murahin nang aking pinuntahan di ko sukat akalain makakasali ako sa kantang kakabisaduhin ng marami Bagsakan ang nangyari Samahang binuo namin wala akong masabi kasama mo pa si Gab, si Buwi, Vinci, Darius at si Dindin Mula noo'y di na ko nakatulog ng mahimbing. Palaging atat ipadinig sa lahat kung saan nagmula ang tulang nag-ugat dito sa kantang pwede ang kahit anong pamagat dahil susunod na sakin ang anak ng alamat [Frank:] Sintamis ng makopa para bang naka-toga nakamit na ang inaasam nilang diploma 'di kayang makopya ang tinahak ng Parokya kasama pa si Aristotle Pollisco at Frankiko Magalona yan si Chito at ang tropa pagkabibo ay sumosobra pag dating sa gig ay naghahasik ng amat na walang droga pag pumito na si kuya alam nating magulo na mang pulis ho totoo na ako'y testigo ilang taon na kulang nalang sulat ko'ng pangalan nila sa balota walang pinoy na takot sa kanila kahit nagtitinda ng penoy at balot sa kalsada sila ang pipiliin na kalahok tampok sa kalokohang subok walang kayang pumatay ang mga sandata ninyo ay marupok sa pintuan palang hindi mo kayang makatok sa bituka palang sila'ng mas matatag sa totoo lang 'di niyo kaya si Chito Miranda at Gab, Chee Kee Vinci Moreno Semana at Meneses nominado at nanalo ng maraming beses nakalathala sa punong Acacia ang Diyos ay marunong humasa 'di ba halata na binasbasan ng Bathala 'sing tibay ng Narra 'di natakot mangarap pakinggan niyo'ng Harana, mga kapatirang pariwara na inararo ng drama, itaga niyo na sana sa bato at mangako na habambuhay magsasama [Chito:] Yan ang Parokya kahit na hindi magaling Kami ang bandang hindi nila kaya patayin Tumatanda na pero nandito pa rin At habambuhay kaming maghahasik ng lagim