音效
界面
难度等级
口音
界面语言
1
和/或在社交方面支持我。网络:
Kamusta
Kamusta ka sana ayos lang Lagi lang akong nandyan Kaso lang ang damot ng bibig Para san pa kung handa kong makinig Pag gipit kung sa sarili mo masyado kang bilib Mahihirapan ka lang ng mahihirapan Kung ipipilit mong wala kang kahinaan Kadalasan alak pa ang mas pinipili mong sandalan Di ka masaya nanghihiram ka lang ng tapang Dama ko na may kinikimkim na hirap ka na rin tiisin Kaso nasanay kang pinapakita na lahat ay kaya mo rin panisin Hindi ka takot matulungan kung tutuusin, takot lang na tuksuhin Kaya di masagot kada tatanungin kung (meron bang nakakubli?) Meron bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti at kutitap ng iyong mga mata? Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang sabihin ang iyong nadarama? Di mo gustong malaman ng mundo ang kahinaan mo Kung wala kang malapitan Pupwede mo akong sabihan Pero para makuha yung sakin mabuhay ang dami ng kasalanang nagawa Hindi ko na nga mapagkatiwalaan sarili panong ikaw pa kaya? Hindi madama yung lungkot o
saya nagtataka lang bakit may hininga pa ko Baka gumaan pa bigat ng dala pag wala, tulad ng kung anong bago Habang yung katinuan naka kadena sa alak usok at tableta Sa napalang mapait tatakasan saglit pagbalik ganun paden eksena Huh Kulong sa sistema, parang malaya sa laki ng selda Kulang na nga lang ipako sa krus sa dami nanghudas ng para sa pera Katulad nilang gusto pa ko masira, kahinaan di ko maipakita Layo ng gusto ko pa marating na naliligaw din pag walang gasolina Kanina ay nasa dulo ng bangin Lason sa hangin sarap damahin May lubid sa puno sinabit daliri ko saking baril bago kalabitin Meron bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti at kutitap ng iyong mga mata? Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang sabihin ang iyong nadarama? Di mo gustong malaman ng mundo ang kahinaan mo Kung wala kang malapitan Pupwede mo akong sabihan Buhay nya na hiniram ay kinuha pa nya nang hindi nagpaalam Sa mga kaibigang nakatawanan, sa dami ng di nya gustong naranasan Sa mga huling hininga nya na lang inasahan mahanap ang kapayapaan Hirap manalo pag nasa loob ng isipan ang pinaka naging kalaban Meron bang dapat sisihin? Paligid? Sarili? Mundong magulo? Hindi ko alam kung kanino ba dapat ituro yung dulo ng hintuturo Alam mong hindi ka makakalimutan, hinaharap nagawang talikuran Kinakausap ka habang nasa likod ng salaming may saradong pintuan Malapit ka nang bumigay dama ko. wag ka magmadaling maabo Magkakaasawa ka pa at magkakaanak ka pa hanggang sa magkaapo Kapag ganitong ganito yung wala ka abot na abot ko kung ba't ka lito Tadhana ang palabiro, pagsubok ang pampatino Buhay parang byahe maraming hadlang Ikaw na bahala kung pano mo sasakyan Natural lamang na mabigatan, kaya hanapin ang pampagaan Yan ang paraan, kasama yan, wag mag-alala kung... (meron bang nakakubli) Meron bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti at kutitap ng iyong mga mata? Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang sabihin ang iyong nadarama? Di mo gustong malaman ng mundo ang kahinaan mo Kung wala kang malapitan Pupwede mo akong sabihan Meron bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti at kutitap ng iyong mga mata? Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang sabihin ang iyong nadarama? Di mo gustong malaman ng mundo ang kahinaan mo Kung wala kang malapitan Pupwede mo akong sabihan
完毕