音效
界面
难度等级
口音
界面语言
1
和/或在社交方面支持我。网络:
Maya
Young God Sa tuwing tinatanong ng "ey, kamusta?" Eto ang pitaka laging may pamusta Parang Maya na malaya ang lipad Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa Nagpaulan ng talento yung Panginoon Sa bago kong henerasyon Ang isipan na nakalabas sa kahon Kapag isa ka samin alam mo na yon Kahit lumaki sa kalsada, di pa din nawalan ng pag-asa Para sa kabataan ko na kababayan wala kang hindi makakaya Na para bang ibon na Maya, Malaya sa himpapawid gustong lumipad Ano mang pagsubok ang makasalubong ay kayang dalhin kahit mabigat Ang bagong pag-asa ng bayan, gumagawa ng kasaysayan Di basta nagpapatangay sa agos, meron din gustong patunayan Malaya ang pag-iisip, bukas ang puso at diwa Sangkatutak na ideya sa utak ang nakapila Diretso di tumitigil madami mang humihila pababa Ay positibo pa din dalang enerhiya Di nawawalan ng gasolina Kahit malayo ang biyahe, nakakabingi man ang mga busina Makina mainit pa sa kusina Para sa kinabukasang gusto ko makita, bago sa kama dumilat Di nila mapipigilang, kasabay ng bagong araw sumikat Sa tuwing tinatanong ng "ey, kamusta?" Eto ang pitaka laging may pamusta Parang Maya na malaya ang lipad Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa Sa tuwing tinatanong ng "ey, kamusta?" Eto ang pitaka laging may pamusta Parang Maya na malaya ang lipad Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa May, puso't talino, may sipag, madiskarte Sa iskwela, estudyante, pag sa bahay, negosyante Nakalatag ang madaming pambenta sa garahe Bangketa, sa tanghali ang presyo kalahati Di natatakot sabihin ang gusto sabihin at walang piring sa mata Hatid ay liwanag sa bawat silid na may kadilimang hindi makapa Buong kalawakan napapabilib kasi malupitan na talaga Mga kabataang napakasolido, kahit na di mo pa halata Di papatalo kapag ang usapan ay sining at teknolohiya Pinakabago, hindi nakapako na lang sa mga makalumang ideya Parang bukas na libro walang itinatago Paningin ay klaro sa mga gusto pa maging Sa tuwing haharapin, taong nasa salamin Sa tuwing tinatanong ng "ey, kamusta?" Eto ang pitaka laging may pamusta Parang Maya na malaya ang lipad Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa Sa tuwing tinatanong ng "ey, kamusta?" Eto ang pitaka laging may pamusta Parang Maya na malaya ang lipad Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa Dahilan kung bakit nagsusumikap pa nang husto Ay hindi lang dahil sa yamang materyal sa mundo Kayamanang matatawag ay kung meron ka nito Pamilyang nagmamahal, kaibigang totoo Sa tuwing tinatanong ng "ey, kamusta?" Eto ang pitaka laging may pamusta Parang Maya na malaya ang lipad Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa Sa tuwing tinatanong ng "ey, kamusta?" Eto ang pitaka laging may pamusta Parang Maya na malaya ang lipad Habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa
完毕