音效
界面
难度等级
口音
界面语言
1
和/或在社交方面支持我。网络:
Kalmado, Pt. 3
8
Beats [Rhyne:] Tatlong daliri ay pakiangat sa ere, angat sa ere Dahil kalmado ang vibe Malapit na sa naka-aim, yeah, sa naka-aim, yeah Dahil sa'ming gamit na style, oh-oh 'Di pa rin naman binago, ang kagustuhan na manalo Patuloy na ginagawa ko, 'di ihihinto, 'di ihihinto [Omar Baliw:] Ito na 'yung mga pangarap na sinulat lang Kitang-kita, sakto sa'kin para bang sinukat lang Mula sa sulok, ako'y literal na kuminang Pero 'di na bago no'n mentalidad na kunin ang Para sa'kin tapos ibahagi sa tumulong Silang mga dahilan kung bakit byahe gumulong Kahit na malabo, ngayon aking napalinaw At 'yung bumbilya sa'king ulo buti napailaw Na tila ba gabay sa mga naliligaw Silbi ay pampainit sa gabing magiginaw Kaya kapit lang, sabi ko, 'wag bibitaw Darating din talaga, 'yung pag-asa ay lilitaw Classic Omar, galing Pembo 'yung naririnig Na parang hardinero, sa utak nagdidilig Tunay din pala talagang merong aanihin Simpleng buhay, 'di na problema 'yung kakainin [Rhyne:] Positibong enerhiya lang dinadala Kung merong negatibo, matik, 'di padadala Apoy ko ay 'di hahayaan na maapula Kumbaga magbabaga 'pag inihipan mo pa Positibong enerhiya lang dinadala Kung merong negatibo, matik, 'di padadala Apoy ko ay 'di hahayaan na maapula Tatlong daliri ay pakiangat sa ere, angat sa ere Dahil kalmado ang vibe Malapit na sa naka-aim, yeah, sa naka-aim, yeah Dahil sa'ming gamit na style, oh-oh 'Di pa rin naman binago, ang kagustuhan na manalo Patuloy na ginagawa ko, 'di ihihinto, 'di ihihinto [CLR:] Yeah, uh, bago pa 'ko nag-invest sa TikTok Madalas akong ma-check op Wallet ko dati ay laging chine-check up Nag-e-FL lang sa pentium four na desktop Sa mensaheng 'to, nawa'y arok mo ang aking adhikain Hangad ko dati makakain nang sapat ang pamilya ko Oh, kay sarap lang sariwain Tanong nila, "Pa'no mo iiwasan ang beef?" Ang tugon ko ay "Aking hihiwain" At 'di lang 'yan ngayon, green light ay naka-on Kapayapaan ang pipiliin sa anumang pagkakataon 'Wag pangunahan, iindak sa'kin 'yang beef niyo na hamon Totonohan ko pa lalo ang buhay ko kahit olats itong taon (Oh, sheesh) Sa hoodies ko ay parati 'tong lillingon (Sa totoo lang) Liliwanag ang madilim na panahon Pero bago 'yon, lulusong ka sa gitna ng bagyo at ulambon Ang buhay ay sadyang gano'n kaya kalmado lang [Rhyne:] Positibong enerhiya lang dinadala Kung merong negatibo, matik, 'di padadala Apoy ko ay 'di hahayaan na maapula Kumbaga magbabaga 'pag inihipan mo pa Positibong enerhiya lang dinadala Kung merong negatibo, matik, 'di padadala Apoy ko ay 'di hahayaan na maapula Tatlong daliri ay pakiangat sa ere, angat sa ere Dahil kalmado ang vibe Malapit na sa naka-aim, yeah, sa naka-aim, yeah Dahil sa'ming gamit na style, oh-oh 'Di pa rin naman binago, ang kagustuhan na manalo Patuloy na ginagawa ko Tatlong daliri ay pakiangat sa ere, angat sa ere Dahil kalmado ang vibe Malapit na sa naka-aim, yeah, sa naka-aim, yeah Dahil sa'ming gamit na style, oh-oh 'Di pa rin naman binago, ang kagustuhan na manalo Patuloy na ginagawa ko, 'di ihihinto, 'di ihihinto
完毕