Magandang Umaga
(专辑: Walking Distance - 2015)
Magandang umaga po (magandang umaga) Magandang umaga sa'yo, sa akin, sa kanya, sa kanila, sa inyo at kahit kanino-man Halika bangon na mula sa pagkakahimbing sa kahapon Gumising sa kasalukuyan at dalhin ang mga pabaon Na aral sa mga bangungot, iwanan ang mga sakit Simula na managinip ng hindi nakapikit Tara sa unang pagdilat ng ating mga mata ay magdasal kaagad sa may kapal Magpasalamat sa 'yong pagkahimbing nagising kapa't almusal ang kanyang pagmamahal Humingi ng tawad sa mga kasalanan na panay at humingi ng patnubay na sa'tin ay gagabay (gagabay) Sa maghapong dahil ano mang kailangan ay kanyang ibibigay Kung ang Diyos ay sa sentro ng buhay mo nakalagay Parang kapeng mainit lamang Dahan-dahanin mga galawa't desisyon habang Alalahanin mong hindi ka na bubuhay na para sa sarili lamang Bawat isa'y may pananagutan sa kapwang nakaatang Yan ang dapat tandaan Bago lumabas ng bahay estudyanteng may trabaho o
kahit na mga tambay Tulad ko, tulad niyo na sa akin naghintay din ako sa aliwalas ng bukang liwayway Gising na, umaga na Umpisa na nang panibagong simula 'Wag mong hayaan na 'di ka makabangon At manatili na lamang sa kahapon Buksan mo na ang pintuan papasokin ang grasya Ang isang araw ay isipin kung paano mapagkakasya Sa lahat ng gusto mong gawin alin man sa mga pangarap mo ngayon ang gusto mong tuparin Ipunin lamang ang mga inspirasyon Bilang panggatong sa apoy ng mga pag-asa mong liwanag saan mang dakong maligaw Na wala kang dapat ikatakot salubungin ng ngiti mga sitwasyong nakasimangot Maging palabati palagi kahit kanino nang magandang umaga na parang tatak lang ng pingpong Mismo, sulitin mo na ang oras magmahal, magpatawad, mangarap na parang walang bukas sapagkat Ang hinaharap, ngayon ginagawa wala nagkanilaga ng 'di tsinatiyaga Kaya maging mabuti dahil ang positibong isip ay bintana ng mga biyayang hindi mo na sisilip kaya Gising na, umaga na Umpisa na ng panibagong simula 'Wag mong hayaan na 'di ka makabangon At manatili na lamang sa kahapon Gising na, umaga na Umpisa na ng panibagong simula Kung sa'n pwede maging masaya o
malungkot At matuwid ang mga naging baluktot Sa muling pagputok ng araw ay sumabog ang liwanag Ang nakakabinging katahimikan ng dilim binasag ng sigaw Mula sa pag-asa ng mga taong na sinimulan sa sarili ang hangad na pagbabago Nanatiling malakas, matatag, masaya sa kabila ng mga bigat nila na dala Ako ma'y maraming enerhiya, oras naring sinayang Ngunit imbes manghinayang lalong nagpahalaga Tulad niyo rin Kaya manalangin ng may pananalig Pati patong mga talong ay muli karing kakamig balang araw Pagdating nang panahon, pag-isipan mo lamang ang lakas sa labas ng kahon Dahil nasan ka man ngayon, nanggaling kami diyan Kaya wag ka lang mawawalan ng dahilan para umasa at muling umasa Ano mang pangit ng iyong gabi, bukas may magandang umaga pa rin Gising na (diba), umaga na (naman) Umpisa na ng panibagong simula (uh, uh) 'Wag mong hayaan na 'di ka makabangon At manatili na lamang sa kahapon Gising na, umaga na Umpisa na ng panibagong simula Kung sa'n pwede maging masaya o
malungkot At matuwid ang mga naging baluktot Magandang umaga po (magandang umaga) Magandang umaga sa'yo, sa akin, sa kanya, sa kanila, sa inyo at kahit kanino-man Magandang umaga po (magandang umaga) Magandang umaga sa'yo, sa akin, sa kanya, sa kanila, sa inyo at kahit kanino-man