Walking Distance
(专辑: Walking Distance - 2015)
Walking distance lang Pangarap ko na noong maliit pa kung sino ako paglaki Kaya nagbilang pa'ko ng ilang umaga at gabi Bago ako umabot sa'king tinatapakan Aking pinagdaanan ay hindi naging madali kasi Tila simputik ng Divisoria ang guhit ng aking istorya Sa ginampanan kong papel na bumago sa'king pagkatao Bawat hakbang sa daan parang hagdan-hagdang palayang Kung tinaniman ko ng sanhing nagbunga ng maraming pagbabago Nangapa ko sa dilim kung saan halos pikit mata ako Na namulat sa makabulag na mundong dikit na sa Pangalan ko ang lugar kung saan ko sinimulan Ang mga ipinagpatuloy na hindi ko hinintuan Mula sa kanto ng Delpan hanggang sa buong mundo Sa bawat kurdon ng mic, mapadaloy ang pagkadugong tondo Sa 'king ugat ay isa lang naman sa'king mga hangad Na ang katuparang sana'y makasalubong sa paglalakad Naglakbay, taglay ang talento n'yang bigay Nagpakapasaway kung saan tahimik nag-ingay ako Hanggang makilalang taga sa'min na dating pambato Na umalis nawala naglayas Nag-lakad hanggang sa maging pandayo-blada Lakad, lakad, lakad, lakad, lakad lang nang lakad Lakad, Lakad, lakad, lakad, lakad lang nang lakad Sige, lakad lang kahit ikaw na lang mag-isa 'Wag mo sabayan ang alon, ikaw ang magdikta Salungatin, anumang dumating, basta 'wag hihinto sa lakad Kahit aking uliting ukitin muli mga guhit ko sa palad (Sige, lakad lang) Makulay man ang mundo'y ginawa ko lang puti't itim Ang pagtingin ko na mapansin ko ang liwanag at dilim Sa bawat anggulo ng buhay, 'di man ma-explica Ang larawan ng kinabukasan, mas lalong na-inspira Na i-balanse ang mga aral at leksyon na nakatago Sa mga naranasan kong masama't mabuting magkahalo Naligaw na'ko, nawala hanggang natutong lumugar Pati patong tumaya, 'di man marunong sumugal Mas nilakihan pa ang mga paghakbang tungo sa katuparan Sa daan kahit pa na maraming hadlang sa'king kinamulatang lakaran ay Hindi pa din nawalan ng gana o
nawalan ng pag-asa na sana madala ng tsamba Ang tsansa na magising sa panaginip na aking dala-bago Natutunang lumakad, tumayo sa aking sariling paa Kahit na natapilok, natisod, nadapa ay pinanghawakan Ang makatungtong ng tugatog ng walang tinatapakan na iba Lakad, lakad, lakad, lakad, lakad lang nang lakad Lakad, Lakad, lakad, lakad, lakad lang nang lakad Sige, lakad lang kahit ikaw na lang mag-isa 'Wag mo sabayan ang alon, ikaw ang magdikta Salungatin, anumang dumating, basta 'wag hihinto sa lakad Kahit aking uliting ukitin muli mga guhit ko sa palad Sige, lakad lang (sige, lakad lang) (Lakad, lakad, lakad, lakad, lakad) Sige, lakad lang (lakad lang nang lakad, lakad lang nang lakad, sige lang, lakad) Hmm, pa-pa-pa-pa-pararap (sige lang, lakad) Pa-pa-pa-pa-pararap ('wag kang titigil) Hmm, pa-pa-pa-pa-pararap (sige lang, lakad) Pa-pa-pa-pa-pararap (ano man ang humadlang) Hanggang sa mapanood na'ko sa aking naging tugon Ng mga dalangin ko noon na tinupad ng Panginoon Nakuha na makuntento ngunit hindi na kampante Kaya bilang pakunswelo, patuloy akong umabante 'Pagkat simula pa lang ng tunay na laro Nakabwelo na'ko kung kailangan mang mamuhay palayo Titiyaking may puntahan ang mga iiwan kong yapak Na susundan balang araw sa'kin ng aking anak Mga pintuang pinasukan, bubong na sinilungan Mga taong tinulungan ako sa gitna ng ulan Ang pasasalamat ko'y ituring n'yong bahaghari Na mag dudugtong sa patutunguhan ko sa'king pinagmulan At sa mga duda sa'kin na pinatunayan Na walang bida sa pelikulang 'di hinamak sa umpisa Anumang layo ng mga pangarap ko sa buhay Ang daan papunta doon ay para sa'kin Walking distance lang (lang, lang, lang)