Alay Lakad (Kahit Pano)
(专辑: Walking Distance - 2015)
Lahat ng mga 'to ay alay ko sa mga nagbigay Ng pagkakataon upang kahit pano'y mabuo Ang aking panaginip sa tagal kong nag hintay Lumipad patingala, naglakad ng payuko Tagumpay na wala sa narating, nasa pinagmulan Dahil sa mga tulad nyong laging nasaking likuran Kasama ko noon at nakasama ko ngayon Na nagtanim hanggang magbunga, pag hinog ng panahon Lahat ng mga 'to ay aking inaalay sa lahat Ng mga taong tumulong sa akin upang mabuo Bawat detalye sa kasaysayan ng aking alamat Naging pataba nung ako'y binhi pa lang na patubo Hindi man naging madali, pilit kong sinubukan Kahit napakaraming mali hindi ko sinukuan Maging maayos sa labas ng aming tahanan na wasak Bilang pangkaraniwang kuya at panganay na anak Ito'y para sa kanila kay Mama, kay Papa at mga kapatid Kong naron at naririto Lagas man o
sagana, patuloy na umasa Hiwa-hiwalay man tayo'y binuo ko ang sarili ko At saking lola na nag-tyaga upang mapaayos Ang aking kinabukasan Kahit 'di man nakatapos ng aking pag-aaral ay natuto din ako Yung apo mong pinalaki ng maipagmalaki mo Pati ng mga 'di naging madamot saking kaibigan Nung wala ako't nandyan sila upang malapitan Mga taga suporta na nag-aabang ng bago Na saludo lang palagi sa mga nagagawa ko Mga taong nagtiwala at 'di hinusgahan Ang pwede ko pang marating sa dami ng pinuntahan Sapagkat kilala nyo talaga kung sino ako 'Di ko man maisa-isa alam nyo kung sino kayo Salamat! Kulang pa lahat ng 'to, para mabatid ang pasasalamat ko Ngunit ganun pa man sana'y inyong tanggapin Kahit pano! Kahit pano! Lahat ng mga 'to ay aking inaalay sa mga Mga taong nun pa ma'y tumanggap sakin ng buo Yung mga araw na wala pang kasikatan na dala Nagdilig ng pagkalinga nung panahon ng tag-tuyo Lalo na sa aking asawa na kasama kong nangarap Anumang makasalubong hinarap naming magkayakap Sumuporta ng higit sa paghanga sapagkat Subok na tayo kahit "Ikaw Ako" laban sa lahat At saking anak na lalong nagpalinaw ng daan Sa buhay at tungkuling mas dapat kong gampanan Na nagbibigay rason kung bat ako humihinga Dahil sayo lahat sakin ay hindi pwe-pwedeng huli na Alay ko sa inyo 'nak ang lahat ng mga 'to Pagdamutan nyo na kung anumang aking mabigay Anuman ang mangyari sa paglalakbay na 'to Sabihin mo sa Mommy mo mahal kayo ni Daddy Bry Lalong lalo sa taas, bilang pasasalamat sa talino at lakas Upang maging karapat-dapat Kung wala ka Diyos Ama, ang lahat ng mga Pasanin ko't dala, 'di ko kinaya mag-isa Makasalanan man ako'y pinagpala mo pa rin Ang aking mga musika maging biyaya sa iba Maging inspirasyon, ayon sa kaloobang na sayo Bilang isa sa mga espesyal na Obra-Maestra mo, sa Lupa! Kulang pa lahat ng 'to, para ihinto ko ang mga lakad ko Anuman dumating handa ko ng harapin Kahit pano! Kahit pano! Lahat ng mga 'to ay alay ko sa akin pabalik Kahit anuman mabigay ko ay handa kong tanggapin Dahil sa tagal kong nainip at nanabik Parang gusto kong apiran sarili ko sa salamin Habang sinasabi kong para sakin karangalan Maging isang Smugglaz ang dati na si Bryan Panindigan mo na, naiintindihan kita Sindihan mo na, baka masindihan pa ng iba Panindigan mo na, naiintindihan kita Sindihan mo na, baka masindihan pa ng iba Panindigan mo na, naiintindihan kita Sindihan mo na, baka masindihan pa ng iba Kahit pano! Diba Kahit pano! Diba Kahit pano! Diba Kahit pano! Kulang pa lahat ng 'to, para mabatid ang pasasalamat ko Ngunit ganun pa man sana'y inyong tanggapin Kahit pano! Kahit pano! Lang pa lahat ng 'to, para ihinto ko ang mga lakad ko Anuman dumating handa ko ng harapin Kahit pano! Kahit pano!