音效
界面
难度等级
口音
界面语言
1
和/或在社交方面支持我。网络:
NAIS KO
Gan'to ang buhay sa pang araw-araw dito sa amin Ang swerte mo na kung may kape't tinapay sa la mesa na nakahain Pag-malamalasin mag-uulam na lang ng asin sa tutong na sinaing Pasalamat ka pa rin kasi meron ka pa rin Samantalang yung iba walang makain Lolo ko at si ama kaya lang ay magkarga, Lola ko at si ina kaya lang ay maglaba Si kuya at si ate si bunso naka-nganga, Naghihintay kung sino saming may biyaya na dala Sa sobrang sipag man ay halos magpakamatay, maliit na sahod ay dumudulas lang sa kamay Umaasa parin na makaraos sa paghihirap, gamit ang pagsusumikap at Kanyang gabay Hirap maging tambay lagi lang sa kanto, anumang nasa plato Di ka makaka-angal Pano magkakabahay kung walang trabaho, hirap magtrabaho Pag di nakapag-aral Andaming nasusulat na talino at kaalaman sa mga aklat na napakahalaga Pero kahit gano daw kalinaw ang mata, mananatili kang bulag kung di marunong magbasa Nais lang mabuhay Ng walang away walang kulay Problema'y matatapos...hanggang makaraos Sama-sama tayong magtagumpay Pantay-pantay na pagtingin sa lahat, kayumanggi-maputi o
moreno ang balat Kahit di na para satin kundi para na lang sa mga bata kaya't Ikaw NaIsko! Wala ng maraming dahilan (Posible!) Ugaling makupad na di maka usad Dapat na nating palitan Ikaw NaIsko! Mangarap ka wag mag alangan (Pwede!) Kahit mahirap ika'y magsumikap sa buhay laging galingan (Naman!) Ikaw NaIsko! Wala ng maraming dahilan Ugaling makupad na di maka usad Dapat na nating palitan Ikaw NaIsko! Mangarap ka wag mag alangan (Naman!) Kahit mahirap ika'y magsumikap sa buhay laging galingan Sana lahat may maayos na paaralan Kung san pwe-pwede matuto't magaral lalo't ang lahat ay karapatan Makapagtapos magkaron ng disensteng trabahong kanilang masandalan Bukod sa karanasan, para kahit na papano ang kumakalam nilang sikmura ay magkalaman Dadapuan ng karamdaman kung ang tulugan mo'y bangketa o
kalsada Pag naospital ka, dun mo pa lang mararanasang may mahigaan na kama E
pano kung punuan pa? Wala na ring kwenta pa ang pera Kung ka laban mo na mismo ay oras at naghahabol ka na ng hininga Ngunit anumang dilim ng nilalakaran, Siguradong may liwanag din sa dulo Yung buhay mo na kala mo'y natuldukan, nagkaron pa ng makahulugan na punto Sa hirap man ng buhay naabuso, lalo lang tumibay, lumakas, natuto Batang kalye na nangarap landas nya ay mahanap, at maging isang alamat sa tundo Wag kang papa-stress sa mga Marites Makakabagal yan sa nais puntahan Di na dapat mainis di ka dapat magtiis Dahil meron ng pagasa at maraming paraan Gawin mo na lang kung nais mong sa kahirapan ng buhay ay makaangat Pag biglang naganap magugulat ang lahat Para bang nakakita sila ng kidlat Galing sa baba, galing sa wala Kaya alam magpahalaga pag may napala Sipag at tyaga lang ang piniga salita'y binawasan dinamihan ang gawa Mga kwento ng inspirasyon sa bawat Pilipino na merong mangyayari basta Todo mo sagad! Bi-Bi-bi-Bi-Bi-Bi-BIilis Kilos, Bi-Bi-Bi-Bi-Bilis Angat Ikaw NaIsko! Wala ng maraming dahilan (Posible!) Ugaling makupad na di maka usad Dapat na nating palitan Ikaw Nais Ko! Mangarap ka wag mag alangan (Pwede!) Kahit mahirap ika'y magsumikap sa buhay laging galingan (Naman!) Ikaw NaIsko! Ikaw NaIsko! Wala ng maraming dahilan Ugaling makupad na di maka usad Dapat na nating palitan Ikaw NaIsko! Mangarap ka wag mag alangan (Naman!) Kahit mahirap ika'y magsumikap sa buhay laging galingan Ikaw NaIsko!
完毕