Gusto
(专辑: 3rd Time's A Charm - 2023)
Ako'y natutulala, araw-araw nakikita Hindi alam ako'y nakamasid Hindi mo lang ako napapansin Hanggang tingin na lang ba sa'yo? 'Di makalapit sa ganda mo Gusto lang na makilala pa Kaso medyo nahihiya Hindi ko masabi ang gusto aminin Ang hirap sabihin na (Ooh) Gusto lang kita makasama Hanggang sa pagbaba ng araw 'Pag tayo na lang dalawa Hindi lang masabi 'pag may iba Gusto lang naman na aminin sa'yo Ang nararamdaman ng aking puso Wala nang iba, 'wag nang pahirapan pa Andito na Totoo na nga ba 'to? Medyo hindi napagtanto Matagal na kitang kilala Simula palang nung una, andito na Ang hirap din patagalin Kasi marami nakakapansin Lahat nabibighani, hindi ko naman masisi Hindi ko masabi ang gusto aminin Ang hirap sabihin na Gusto lang kita makasama Hanggang sa pagbaba ng araw 'Pag tayo na lang dalawa Hindi lang masabi 'pag may iba Gusto lang naman na aminin sa'yo Ang nararamdaman ng aking puso Wala nang iba, 'wag nang pahirapan pa Andito na Hindi rin makaimik kahit pa makatabi Nawawala aking tapang 'Pag malapit ka na bigla akong naduduwag Mangangarap na lang ba Na ikaw ang kasama? Ayoko nang mag-isa Kabado pa nung una, plano makausap Lakad pa kalmado pero parang nalulula Daming nakausap, 'kaw ang napusuan Binibini, gagawan ng paraan makuha ka Ikaw na nga 'yon at walang iba Okay lang 'yan mundo man natin ay magka-iba Mapagod man ako, ikaw ang aking pahinga Sabay sasalubungin ang umaga nang nakahiga Sa t'wing kasama ka para 'kong lumulutang Kung ga'no kasaya, 'yun ang 'di ko masukat Lakas ng amat, 'di kaya ko ginayuma Hanggang ngayon kapit pa rin sa aking halimuyak niya Gumagaan lahat ng pabigat (Gumagaan lahat) Patuloy lang tayo sa pagliyab (Patuloy lang) Kung lahat 'to panaginip lang Paggising ko, pangako 'yan, agad ko sasabihin na Gusto lang kita makasama (Yah) Hanggang sa pagbaba ng araw 'Pag tayo na lang dalawa (Yeah, yeah) Hindi lang masabi 'pag may iba ('Di lang masabi) Gusto lang naman na aminin sa'yo Ang nararamdaman ng aking puso Wala nang iba (Wala nang iba) 'Wag nang pahirapan pa Andito na (Andito na) Yeah, yeah, yeah, yeah (Yeah-eh) Yeah, hey, yeah (Yeah)