音效
界面
难度等级
口音
界面语言
1
和/或在社交方面支持我。网络:
Alastress
(专辑: 08:01 - 2017)
Bakit ka nagpupuyat? Anong ginagawa mo sa labas? Ano ang ginagawa mo ng ganitong oras? Wala pa ba sayong naghahanap Ayoko sana na maging istorbo saiyong pagsasaya, alam ko naman na merong ganap Pero ang magulang mo ngayon malamang nag aalala, dapat umuwi ka ng maaga At hindi naman yun para lang sakanila, alam mong madilim na sa kalsada Iniwanan ka na ng iyong mga kasama, mataas ang tyansa mo ngayon na mapahamak Minor de idad ka palang, pero ang lakas mo nang makainom Sabihin nalang nating masarap talagang tama ng alak pero mga kasama mo'y masasama ang intensyon Ala stres ng madaling araw asan ka na ba... Bakit ka nagpupuyat? Anong ginagawa mo sa labas? Ano ang ginagawa mo ng ganitong oras? Wala na ba sayong naghahanap Alam ko na masarap maging kolehiyala, pakiramdam mo ay alam mo na lahat Ang pag iinom ay iyo nang napagaralan, kaya dyan ka nalang bumabagsak Ang baon na binibigay sayo ng yong magulang, ginastos mo nalang lahat sa toma Sila'y pinunong puno na, hindi naman nagkulang pero sumosobra ka na, kelan ba hihinto yan? Wala ka na bang balak na pumasok? kaya tinutulugan mo'y harap ng sinaraduhang pintuan Imbis na matapos ang pagaaral, tinapos mo ang yong kinabukasan Anong oras ka na ba matutulog Makinig ka sana sakin kung sakaling mahuhulog na Bakit nakaposas ka na sa kamay nya Umuwi ka na, anong oras na, anong oras na Ala stres ng madaling araw asan ka na ba... Bakit ka nagpupuyat? Anong ginagawa mo sa labas? Ano ang ginagawa mo ng ganitong oras? Ang dami na sayong naghahanap Bakit ba nakatayo ka lamang sa kalsada at iba ibang bubong ang tinitingala Nakapangalis pa tuwing madaling araw, nagbibihis para lang mahubaran Masyado ka naman atang na nalulong sa alak, wala nang ibang mapagkakitaan Ang yong katawan ay iyong ipinapahamak sapagkat yan na ang tawag mo saiyong kasiyahan Ba't pinabayaan ang yong sarili, ba't hindi malaman, sakali na maisip Na kaya mo pa na sumigaw at pumiglas, kumawala pero pinili mo nalang na manahimik Anong oras ka na ba matutulog Makinig ka sana sakin kung sakaling mahuhulog na Bakit nakaposas ka na sa kamay nya Umuwi ka na, anong oras na, anong oras na Bakit ka nagpupuyat? anong ginagawa mo sa labas? Ano ang ginagawa nila ganitong oras? ngayon lang kitang nakitang humiga Ngayon na't nakapikit nang yong mga mata, sana sayong buhay ikay naging masaya Dati ay marami pa sayong naghahanap, ngayon ay alam na namin na wala ka na Ala stres ng madaling araw asan ka na ba...
完毕