Marlboro Black
(专辑: Heartbreak SZN - 2018)
"Masama ka sakin, masaya ako sayo. Kaya bakit pa natin ipapipilitan ang hindi pwede?" Sambit mo sakin pagtapos mong hithitin ang dulo ng 'yong sigarilyo. Magkahawak ang kamay, ngunit di mahigpit At nagaantay nalang na isa satin ang bumiitaw Kapalaran na siguro nating masaktan "Masaya ka sakin, masama ako sayo." Ngunit ubos na ang lahat, upos nalang ang natira. Tatlong araw na tayong di nag uusap Ni isa saatin dalawa'y 'lang balak makiusap Alam nating pareho tayong nagkulang At ang tayo'y 'la na ring patutunguan Ngayon bakit nga ba tayo nagkita Nakalimutan na't tila Balak nating mag ayos ang lalo sating nagpasira Diba sabi mo noon, kung tayong dalawa'y maghiwalay Ay magkikita rin sa tamang panahon Ngayon aking napaisip, papano kung ganon Kung tayong nga talagang dalawa'y bakit pa tayo Dapat na maghiwalay ngayon Kung ganon magbiro ang tadhana Ay dapat, alam nyang 'la kong oras makipag biruan ngayon Wag mo na kong kulitin pa Wag ka na ring sumagot kung sakaling kulitin ka Kung magkasalubong wag na natin pansinin Ang isa't isat pagkalito'y wag ng kunsintihin pa Dahil, hindi ko kayang maging kung sinong gusto mo Ibigay kung anong gusto mo Ibigay anong nararapat sayo, mahal kita, pero tama na Dahil, hindi mo kayang maging kung sinong gusto ko Ibigay kung anong gusto ko Ibigay anong nararapat saatin dahil di na natin kaya Wag ng pilitin kahit pwede Isipin ang sarili't wag na satin dumepende Mas mahina na nga tayo sa sakiting nagkadengue La tayong magagamot kung pareho tayong pasyente Hindi mo ko kaylangan, at ganun ka rin sakin Libro ng istorya nating dalawa'y sa simula lang kaaya ayang basahain Sumaya na tayo dati, limot natin ang pasanin Talagang dapat mong asahan ang di mo aakalain Ba't ba tayo naniwala Pagmamahalan natin dati pa'y di alintanta Ngayon dapat na limutin na ang ating ala ala Kaylangan na magbura para matuto tayo lalo parang sulat sa pisara Wag mo na kong tanungin pa Masasaktan ka parin kahit aking saluhin ka Panandaliang marka lang to satin parang henna Pansamantalang pagmamahal di dapat ikadena Dahil, hindi ko kayang maging kung sinong gusto mo Ibigay kung anong gusto mo Ibigay anong nararapat sayo, mahal kita, pero tama na Dahil, hindi mo kayang maging kung sinong gusto ko Ibigay kung anong gusto ko Ibigay anong nararapat saatin dahil di na natin kaya