Limang Dipang Tao
(专辑: Araw Gabi Mga Awit Ni Maestro Ryan - 2015)
Limang dipang taong nagtutulakan Sa abenidang aking kinatatayuan Nagaabang ng masasakyan Patungo kung saan, 'di ko malaman Sa aking dyipning sinasakyan Mayroong natanaw na mama Sa dinami-rami ng nagdaraan Ikaw pa ang nakita Ikaw pa ang nakita May kasamang dalaga Para, mama dito na lang, bababa na ako Para, mama dito na lang, heto ang bayad ko Para na sabi, para na sabi, para mama, para na diyan sa tabi Limang dipang taong nagtutulakan Ang dinaanan ko sa paghabol sa iyo Tinatanaw ang pagakay mo Sa dalagang pinagseselosan ko Sa pagmamadali nadapa ako Sa bangketang kinatatayuan mo Lumapit ka, at tinulungan ako At kita'y tinitigan (At kita'y tinitigan) Ano ba itong naramdaman Sorry mama pasensiya ka na, sorry't naabala ka pa Sorry mama pasensiya ka na, sorry't napagkamalan ka Sorry na sabi, sorry na sabi, sorry mama, sorry't napagkamalan ka Limang dipang taong naguunahan Sa unting sasakyang nagdaraan Sayang ang dyipning kanina'y lulan At ngayo'y nagsisisi, sa aking pagbubusisi Malaking pagkakamali Para mama sasakay po, limang dipang taong nagtutulakan Para mama sasakay po, limang dipang taong naguunahan Para na sabi, para na sabi, para mama, para na diyan sa tabi Para na sabi, para na sabi, para mama, para na diyan sa tabi