音效
界面
难度等级
口音
界面语言
1
和/或在社交方面支持我。网络:
P's Song
(专辑: Wishclusive - 2021)
('Di ko alam kung pano sisimulan...) 'Di ko alam kung pano sisimulan Itong aking tula medyo mahirap hirap ang Maglahad ng nararamdaman kasabay ng beat Pero kailangan ilabas nilulumot kong sikreto Nung una kitang makita Ika'y nakaupot umiiyak tapat ng aming eskinita At parang mukha kang depressed non At iniisip ko baka ikaw ay ninakawan ng cellphone At diba tinanong ko ang iyong pangalan Sabi mo hindi ka interesado sabi ko wag na nga lang Suplada ayaw magpakilala Pagkaraan ng isang oras ay sinundo ka ng iyong syotang Naka kotse, kagalang-galang Ako'y pobre ngunit utak ay mayaman Kung naging sakin ka lamang di kita iiwan Hanggang sa huli ikaw ay aking aalagaan (Woaah woaah Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang Woaah woaah Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang) Oh ikaw ba yon ang sexy at san kaya punta? Nalalanghap ko rito banda ang sampaguita Yung pabango kahit ako'y pango amoy kita Habang tinitignan ko ang kislap ng iyong mga mata Ngunit ito'y nawawala sa tuwing ako'y lalapit na Di naman kita babastusin ba't nagagalit ka? Ibibigay ko lang 'tong panyo mo nahulog mo yata Pang punas ng luha kung di ka bagsakan ng grasya Tinatanong ko muli ang iyong pangalan Di ka sumasagot patay malisya lamang Ako ay nalungkot dalawang beses na yatang Dinededma ang tanong na 'to ngunit parang Di ka masaya sa tuwing kasama mo sila Sila, sila, sila, oo Iba't-ibang mukha Sumusundo sayo at pawang naka kotse pa Sige ingat sayo hintayin ko ang iyong pagbaba (Woaah woaah Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang Woaah woaah Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang) Bakit ba ang hilig mo sa iba't-ibang mga lahi? Nagpapaalipin ka sa kung kani-kaninong hari At masaya ka raw kunwari ugh At nakatiis ka sa pinaka mabahong ugali Putanginang mga dayuhan na yan At ika'y walang sawang pinagsamantalahan Ngunit wala lang sayo yon dahil dun ka nakakakuha ng Luho mo at balang araw ay kanyang huhubaran Hanggang sa wala ka nang ibang mapupuntahan Kukunin nila lahat sayo kahit pa piso man yan Hanggang sa wala ka ng madudukot sa iyong bulsa Kundi ang iyong dignidad pati pamato't panabla Hangad ko lamang ay makilala ka Bakit ba kailangan papahirapan pa Ako? Biglang tumulo luha mo sabay punas, sabi mo Pangalan ko pala ay Pilipinas (Woaah woaah Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang Woaah woaah Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang Woaah woaah (kapit lang...) Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang Woaah woaah (kapit lang...) Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang)
完毕