Kasalukuyan
(专辑: Concerned Citizen - 2018)
Maraming nasisirang buhay dahil sa kalibugan Nakakagawa ng mali't nawawala sa katinuan May lalaking lahat ng babae gustong mahipuan Alam kong alam nyo na mali po yan Mag-aaral na madalas pa sa inuman, kesa sa paaralan Naka-lock pintuan wala ng hintuan Mga batang babae na pag nasa inuman At nahipuan ta's nalibugan lahat nakakalimutan Pag nagbunga dahil pinairal landi niya tiyak Meron na namang pamilya na walang wala sa lipunan Kasi ginagawa pa din di naman napag-ipunan Pag ang hinaharap di maharap tatalikuran Lalaking nakikipagtalik kung kani-kanino Pag nakabuntis di mo na makita maski anino Ang obligasyon sa bata ay kakalimutan Kawawang sanggol nakaranas agad ng kabiguan Di ko naman nais na pakialaman ang buhay mo Napansin ko lang kasi na ang haba na ng sungay mo Nagkakandarapa sa pagkayod nanay at tatay mo Anong tingin mo sa kanila sa bahay nyo alalay mo? Puro damo bato damo bato Yan ang lagi niyong bukambibig ano ba 'to Sabog ka lang pakiramdam mo astig ka pag nakasinde Feeling king oo king ng mga walang silbe Ibenta mo na utak mo kung di mo ginagamit Pagkat agwat ng utak niyo ni Geo di malapit Pag pinaisip mo ng kalokohan punong puno Ang utak pero pag seryosohan tuyong tuyo Tumatanda ka ng batugan, wala kang pakinabang Wala ka pang diskarte panay ka kasi yabang May pangarap ka rin ba na gusto mo makamit Oh nag-aantay ka lang ng bagong usong pananamit Mas inuuna pa ang bisyo kesa humanap ng piso Ba't ka ba ganyan ba't sobrang landi mo ano? Nalang kaya ang mangyayare sayo Kung itutuloy mo pa rin pagiging laging ganto ha? When we look at our lives today Lagi na lang udlot, laging may nasasayang Laging, hindi tayo makaabot sa standard Kaya ayaw sa bahay nila 'Asa bahay sanglaan, bahay inuman, bahay sugalan Bahay ng mga babaeng hindi lumilipad Bahay ng mga lalaking di mo alam kung lalaki Iba ibang bahay Pero yung lahat ng bahay na yun Ay mga, bahay na, kulungan Akala mo masaya ka but you are actually Limited, pagka nakabilanggo ka Limited ka, restrained ka Hindi mo maeenjoy ang talagang gusto mong enjoy Ang ineenjoy mo lang akala mo nagbibigay ng enjoyment but It is always bitin! Sobra ka kung manghingi ng pambaon Di naman pumapasok nagdodota ka lang maghapon Pagdating ng panahon sigurado bagsak ang grado Nakakapanghinayang ang mga ganyan na tao Sandamakmak ang pagkakataong nasayang Nung napahiga di na nakabangon sa kamang Merong bed sheet ng kamalasan Niyapos yapos nilaway lawayan ang unan ng katamaran Nagkanda baon baon ka na nakaraang taon Kakaadik hanggang ngayon ano, sanay ka na ng ganun Habangbuhay ka na lang bang magpapa-alipin sa kahirapan Ang haba ng listahan sa tindahan para sa pangangailangan Tatlong libong piso para sa paboritong bisyo Pag giyang na't aburido shabu doon shabu rito Mga sir paalala lang di na uso ang lagay Huwag niyong sisihin si Duterte kapag ka may namatay Malalaswang galawan ng mga pasok sa P
Big Brother! Tipong kakakilala lang sila na kagad 3
days after Diba't yan ang natututunan niyo kakapanuod Inuunang pagandahin ang labas kesa panloob Para may pang walwal nanakawan pati magulang "Anak ba't ka ba ganyan san ba kami nagkulang" Wala ka lang pake kase bingi ka na Ang naririnig mo nalang ay "pare sindi ka pa" At wag na wag na wag mong sisisihin kahirapan Nagsisikap magulang mo para lamang maigapang Ang iyong pag-aaral wala kang kasing yabang Wala ka ding galang nakahiga lang Dakilang walang pakinabang... Sa pamilya Yung mga anak na matitigas ang ulo Yung mga anak na naglalayas Wala siyang proteksyon ng kanyang mga magulang Gusto magsarili, ayun Imbis na mag-aral, hindi nakapag-aral Sa mga magulang niya pinag-aaral siya Ayaw nya, ayun, nag-stand by Yung ibang mga kapatid nakatapos na siya stand by pa din Uuwi yan ng bahay after many5x problema's Either may tama na, o
nalagpasan na siya Ng pagkakataong mag-aral pa at makaabante sa buhay Karanasan ko rin sa buhay ang aking pinanghugutan At saktong ito ang nangyayare sa kasalukuyan Makiuso pag may uso, yan ay sakit na natin Pero di yan tama dapat ang sarili ay hanapin Ang pinakamali sa lahat ng pagkakamali Yung di mo alam na meron kang ginagawang mali Ituwid natin ang baluktot nating nakaraan Gawing tama ang ating mga maling karanasan