音效
界面
难度等级
口音
界面语言
1
和/或在社交方面支持我。网络:
Bugtong
(专辑: Talumpati - 2011)
Di yata dapat ginawa to' Parang delikado Ang mahalaga'y maririnig ng mga tao Hindi ko pipigilin Hindi na sisilipin Kahit na takpan aking bibig ay aking sasabihin Sasabihin, sasabihin, sasabihin ,
sasabihin [Chorus: Yeng Constantino] Pwedeng tao, pwedeng hayop, Sino kaya ang tinutukoy ko ?
Parang tao, parang hayop Sino kaya ang tinutukoy ko ?
[Gloc-9:] Malamang ang ibinoto mo'y corrupt Tao n'ang kanyang likod ang ginagawang harap Tutungtong sa entablado at makikiharap Dumudura ng mga kasinungalingang masarap pakinggan Parang awitin na laging nasa tono Pero ang kanyang ugali ay ubod nang sintunado Tituladong abogadong milyonaryong mabaet May isan dosenang anak sa patong-patong na kabet Tingnan mo ang baet, parang di ka nahihiya Napakarami ang gutom pero ika'y nakahiga Nagpapasasa sa kayamanang kay bilis mong nakuha sa pinagsama-sama naming buwis Amoy panis, kay bangis, kapag ikaw ang kumagat walang natitira, simot lahat,pati buto't balat Nagkakalat ay isang garapal na mandaraya Walang pinagkaiba sa nakaabang na buwaya Na sinasakmal ang lahat ng makita 'pag gutom Panga'y laging nakabukas na parang bilasang tahong Kaya parang alam ko na kung ano ang dahilan at kasagutan dito sa laro ng hula-hulaan [Chorus: Yeng Constantino] Pwedeng tao, pwedeng hayop, sino kaya ang tinutukoy ko ?
Parang tao, parang hayop sino kaya ang tinutukoy ko ?
Di yata dapat ginawa to' Parang delikado Ang mahalaga'y maririnig ng mga tao Hindi ko pipigilin Hindi na sisilipin Kahit na takpan aking bibig ay aking sasabihin Sasabihin, sasabihin, sasabihin ,
sasabihin [Gloc-9:] Na para bang hindi ka makahinga Natatakot na baka biglang maamoy nila Ang mabaho at bulok na sistemang nakabara Sa malaki at matigas na tiyan mo'y kakasya pa ba? Araw-araw kang busog pero di ka makadighay Hinay-hinay lamang ,
baka ho inyong ikamatay Magtiwala ka ,
anak, yan ang sabi ni Inay pero bakit lahat ay sanay na sanay sa lagay? Ganyan dito sa pinas, ewan ko lang sa iba Magkano ba ang amin jan, yan lang ang mahalaga Teka tulungan nio ako, sinong malinaw ang mata Ituro niyo kung sinong di milyunaryo sa kamara Pagpasensiyahan niyo na kung medyo hindi bilib Tinuruan lang ako na maging mapagmasid Sa tagal ng panahon, mahirap maging manhid Parang sugat na tuyo na tinalupan ng langib at binuhusan ng mertiolet, sa laman nakadikit Iwan ang pamilya sa ibang bansa ipagpalet May pag-asa pa ba ang bayang nakataya [Chorus: Yeng Constantino] Pwedeng tao, pwedeng hayop, sino kaya ang tinutukoy ko ?
Parang tao, parang hayop sino kaya ang tinutukoy ko ?
Pwedeng tao, pwedeng hayop, sino kaya ang tinutukoy ko ?
Parang tao, parang hayop sino kaya ang tinutukoy ko ?
Di yata dapat ginawa to' Parang delikado Ang mahalaga'y maririnig ng mga tao Hindi ko pipigilin Hindi na sisilipin Kahit na takpan aking bibig ay aking sasabihin
完毕