Balak Ni Syke
(专辑: MKNM: Mga Kwento Ng Makata - 2012)
Kung may alak may balak Lasing sa kasalukuyan ngunit malaman ang ala-ala Gising at kasulukuyang malala na Nadala na sa nakaraang magdamag na baon sa pagtulog Bukas ang bakas ay may babaon sa limot Eto ang mga kwento ng makata Basahin ang mga nasa gitna ng talata Siksik na parang delata, seksi pang dalaga Sorry di na ako binata Ang mga kwento ng makata Inumpisahan sa tulang pinamagatang Balak Isinulat na walang alak Laman lamang ng utak ang pinadaloy sa panulat Laman ng puso ang pangmulat na walang panggulat Simple lang, kabado, easy lang Kung busy, ngisi lang Kalmado, steady lang Ngayon ang panahon ng pagbubuhat ng sariling bangko, keri lang Di mo kailangan mag Ingles para malaman nilang matalino ka Di rin naman kailangan managalog para malaman nilang Pilipino ka Pilipino ka, kalabaw ka hindi ka baka Hindi ka mansanas kundi mangga At wag mo nang asahan datnan ang panahong tatangos ang iyong ilong Tsong hindi ka puti, kayumanggi ang kulay mo Mahalaga kung ano ang kaya mong gawin Gawing magaling, tinitibok ng bawat damdamin ang gawang magaling Sumigaw kung kailangan na mailabas ang nagbabagang galit sa dibdib Ngunit sunog na ang daigdig sa mga sinasabing walang silbi Kaya nakasalpak sa mga manhid ang panawid gutom, kumakalam ang tenga Nakasalampak sa sahig ang mga patay-gutom, said walang kumakalinga May mga pantas na di malaman ang tungo Hindi puso kundi nguso ang panturo Naging sinungaling ang mga labi ng mga bagong saling-lahi Di pa huli ang lahat, hawiin ang ulam nakakabulag Kini mao ang akong balak at ang balak namin ni Gloc Maging makabuluhan ang pagkaguluhan ng nangagarap