Sirena
(专辑: MKNM: Mga Kwento Ng Makata - 2012)
[Ebe Dancel:] Ako'y isang sirena Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda Ako'y isang sirena Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba Drum na may tubig ang sinisisid Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik Drum na may tubig ang sinisisid Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib [Gloc 9:] Simula pa nang bata pa ako, Halata mo na kapag naglalaro Kaya parang lahat ay nalilito, Magaling sa chinese garter at piko Mga labi ko'y pulang pula, Sa bubble gum na sinapa Palakad-lakad sa harapan ng salamin, Sinasabi sa sarili "ano'ng panama nila?" Habang kumekembot ang bewang, Mga hikaw na gumegewang Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang Upang matakpan ang mga pasa sa mukha Na galing sa aking ama Na tila di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayan Laging nalalatayan, Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan Na imbes na tumigas ay tila lalong lumambot Ang puso kong mapagmahal Parang pilikmatang kulot. [Ebe Dancel:] Ako'y isang sirena Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda Ako'y isang sirena Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba Drum na may tubig ang sinisisid Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik Drum na may tubig ang sinisisid Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib [Gloc 9:] Hanggang sa naging binata na ako Teka muna mali, dalaga na pala 'to Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin Ano bang mga problema nyo? Dahil ba ang mga kilos ko'y iba, Sa dapat makita ng inyong mata Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala Kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang-tuwa Kahit kinalyo na sa tapang, kasi ganun na lamang Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang Tama na naman itay, di na po ako pasaway Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon Kasi araw-araw na lamang ay walang humpay na banat Ang inaabot ng ganda kong pang-ilalim ng dagat [Ebe Dancel:] Ako'y isang sirena Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda Ako'y isang sirena Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba Drum na may tubig ang sinisisid Naglalakihang mga braso, sa'kin dumidikdik Drum na may tubig ang sinisisid Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib [Gloc 9:] Lumipas ang mga taon, nangagsipag-asawa Aking mga kapatid, lahat sila'y sumama Nagpakalayo-layo ni hindi makabisita Kakain na po itay, nakahanda na'ng lamesita Akay-akay sa paglakad paisa isang hakbang Ngayo'y buto't balat ang dati matipunong katawan Kaya sa iyong kaarawan, Susubukan kong palitan Ang lungkot na nadarama, wag na po nating balikan Kahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka-cancer Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y naka-duster Isang gabi, ako'y iyong tinawag, lumapit Ako sa'yong tabi ika'y tumangan, kumapit Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha Dahil kung minsan mas lalaki pa sa lalaki ang bakla [Ebe Dancel:] Drum na may tubig ang sinisisid Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik Drum na may tubig ang sinisisid Sa patagalan ng paghinga, Sa'kin kayo ay bibilib Ako'y isang sirena Kahit anong gawin nila Bandera ko'y di tutumba...