音效
界面
难度等级
口音
界面语言
1
和/或在社交方面支持我。网络:
Paliwanag
(专辑: Pilak - 2023)
Punong-puno ka ng pag-asa Lunok lang kahit na 'di mo alam ang lasa Na para kang pinahawak ng dinamita Magsisindi ng mitsa ay sila, ah-ah Bakit kaya hinahayaan mo na Nakawin ang mga pinaghirapan para Sa'yong mga mahal sa buhay walang ganang Umangal kasi gano'n talaga Ang paliwanag sa'min Nung unang panahon Nagpaabuso na tayo sa Kastila Nilapastangan ng mga Hapon Ating kababaihan ay inalila Bakit 'di pa tayo natuto dun? Lumipat lang sa mga mukhang manika Mga dura nila nilululon Habang sumisigaw ng pagkadakila Kailan kaya kita makikita Na kay saya at tunay na malaya, ah 'Di ko gusto na iwan ka lang dito, pero Punong-puno ka ng pag-asa Lunok lang kahit na 'di mo alam ang lasa Na para kang pinahawak ng dinamita Magsisindi ng mitsa ay sila, ah-ah Bakit kaya hinahayaan mo na Nakawin ang mga pinaghirapan para Sa'yong mga mahal sa buhay walang ganang Umangal kasi gano'n talaga Ang paliwanag sa'min Kay dami nang mga santong nangako Pero kabaong lang ang siyang kinahantungan Nailibing ng lumaon lalo na't may mga taong Parang manok kung manabong Sadyang makukulit, kukulit, ulitin maitapon lang ang tama Awa, nakakasawa Para kang naiwan ng mag-isa sa lawa Hawak ang lamang habang tawa ng tawa Talo ka habang sila'y dama ng dama 'Di na ba tayo matututo Ilan pa ba ang dapat na ipakong Kristo Ng mga taga bantay na kunwari'y listo? Harapan ang tanggi harap-harapang bisto Is-is ka ng is-is, nipis ng panipis Inis kakatiis sa ulam na panis Bilis, tama na please Mintis ka ng mintis Bigkis sa'king paa't kamay 'di ko maalis Sabihin mo darating ba ang araw na 'di ka takot Iwanan ang mga mahal mo? Sa bahay na hindi sila mababasa Tuwing malakas ang bagyo Darating ba ang araw na 'di kailangang itago ang mga yapak mo? Kailangang lumayo, yumuko, magpasawalang-kibo 'Pag tinatanong ang karapatan mo Punong-puno ka ng pag-asa Lunok lang kahit na 'di mo alam ang lasa Na para kang pinahawak ng dinamita Magsisindi ng mitsa ay sila, ah-ah Bakit kaya hinahayaan mo na Nakawin ang mga pinaghirapan para Sa'yong mga mahal sa buhay walang ganang Umangal kasi gano'n talaga Sabihin mo darating ba ang araw na 'di ka takot Iwanan ang mga mahal mo? Sa bahay na hindi sila mababasa Tuwing malakas ang bagyo Darating ba ang araw na 'di kailangang itago ang mga yapak mo? Kailangang lumayo, yumuko, magpasawalang-kibo 'Pag tinatanong ang karapatan mo Punong-puno ka ng pag-asa Lunok lang kahit na 'di mo alam ang lasa Na para kang pinahawak ng dinamita Magsisindi ng mitsa ay sila, ah-ah Bakit kaya hinahayaan mo na Nakawin ang mga pinaghirapan para Sa'yong mga mahal sa buhay walang ganang Umangal kasi gano'n talaga Ang paliwanag sa'min
完毕