音效
界面
难度等级
口音
界面语言
1
和/或在社交方面支持我。网络:
SA'KIN 'YAN
[Gloc-9:] Ikaw na naman 'di ba kalalabas mo lang ng Bagong kanta na para bang kailan lang Ikaw na naman 'di ba kalalabas mo lang ng bagong kanta Marami pa Apir tayo diyan G-code Goodson! Pang ilan na ba 'to? Natumbak mo pare Natumbak mo ng mismo Sino ang polido? Maging ang anino Ilaw na laging nakasindi kahit kanino Tawagin mo dito hipan mo ang pito Mga letrang malagkit na parang bagong pustiso Turo-turuan kung kaninong hagdan Ang mas maraming baitang Ilan ang hinakbang Pababa, pataas Sinong tagapagmana? Hayaan mong sabihin kong ayaw ko ng korona Hindi sa'kin 'yan Dahil ang nais ko lang noon ay makapag Sulat ng mga awit kahit na pabalibag Ang mga tono tinodo ko, medyo malibag Ang kailangan lunukin 'yan lang ang realidad Naglalakad ng mag-isa papunta sa opisina Dala ang demo baka sakaling maipakita Ang taglay na kanta'y ilalahad kung luto na Kumain ka na ba ng tanghalian? Hindi pa Huwag mo kaming tatawagan kaming tatawag sa'yo Iwanan mo dun sa guwardya sa harapan ang number mo Diyan ko laging nilalaan ang parte ng sweldo ko Sa paglinis ng kusina kung minsan tagasalo Kalahating sakong bigas isampa mo dun sa truck Hawakan mo ang itlog baka mabasag sa lubak Ibabawas 'yan sa'yo kapag may isang nabiyak Kahit na 'di sigurado ay merong isang tiyak Sino ang polido? Maging ang anino Ilaw na laging nakasindi kahit kanino Tawagin mo dito hipan mo ang pito Mga letrang malagkit na parang bagong pustiso Turo-turuan kung kaninong hagdan Ang mas maraming baitang Ilan ang hinakbang Pababa, pataas Sinong tagapagmana? Hayaan mong sabihin kong ayaw ko ng korona Hindi sa'kin 'yan Sa madaling salita hindi naging madali Lahat ng buo na binayad inipon ko ang sukli 'Pag lahat ay tinatamad ako'y 'di nag-atubili Nasipagan upakan hulaan kahit magkamali Basta subok lang ng subok, huwag bilangin kung ilan Itinaas ko ang kamay hanggang sa matandaan Ako ng guro tinuro kung sa'n ang tamang daan Narating din ang palasyo na tirahan ng ilan Hindi nahilig sa mga kinang ng mga alahero O
magagarang gulong na kasing ingay ng bumbero 'Pag mabilis ang takbo agad na pumipreno kaya Bubungan sa'king ulunan pirma ko ang nasa yero Kahit na dalawang dekadang mahigit na 'kong paos At kailan ma'y 'di ako nasindak sa salitang laos Ako nang magsasabi sa bangka na tapos na kung tapos Hindi 'yan kasya sa'kin, alam kong ang ulo ko'y kapos Sino ang polido? Maging ang anino Ilaw na laging nakasindi kahit kanino Tawagin mo dito hipan mo ang pito Mga letrang malagkit na parang bagong pustiso Turo-turuan kung kaninong hagdan Ang mas maraming baitang Ilan ang hinakbang Pababa, pataas Sinong tagapagmana? Hayaan mong sabihin kong ayaw ko ng korona Hindi sa'kin 'yan [Honcho:] Meron lang akong gustong sabihin Sa mga dapat na makaalam baka isiping Kunsintihan 'to at ibahin ang meaning Kailangan kong sulitin sulat ko baka silipin Hoy gumising! Mag-iba ka na, 'wag kang magpapakain Ng inggit sa katawan ay palayasin, pabagahin Utak mong kalawangin ay linisin palawakin Sana mag-iba ka na para isa ating hangarin At ng magaya ka din sa'kin makasama ka sa awit ni Gloc Sa'ming lipad kahit na mabigat Ang imposible ay posible basta magsipag 'Wag kang paawat at gawin dapat ang abilidad Kasi alam mo na pwede kang mabilang sa mga tanyag Pero 'wag masilaw, pwede kang magkaroon ng hindi mabilang Na tagahanga nakatapat na sa'yo ang ilaw 'Di na kailangan ng korona [Gloc-9 (Honcho):] Sino ang polido? (Sino) Maging ang anino Ilaw na laging nakasindi kahit kanino Tawagin mo dito (dito) hipan mo ang pito (prrt) Mga letrang malagkit na parang bagong pustiso [Gloc-9:] Turo-turuan kung kaninong hagdan Ang mas maraming baitang Ilan ang hinakbang Pababa, pataas Sinong tagapagmana? Hayaan mong sabihin kong ayaw ko ng korona Hindi sa'kin 'yan Sino ang polido? Maging ang anino Ilaw na laging nakasindi kahit kanino Tawagin mo dito hipan mo ang pito Mga letrang malagkit na parang bagong pustiso Turo-turuan kung kaninong hagdan Ang mas maraming baitang Ilan ang hinakbang Pababa, pataas Sinong tagapagmana? Hayaan mong sabihin kong ayaw ko ng korona Hindi sa'kin 'yan
完毕