音效
界面
难度等级
口音
界面语言
1
和/或在社交方面支持我。网络:
Mana
"What always is an essential element in the
creative is the
mysterious. The
dark. It's like the
black in lacquer. The
impenetrable. And yet the
profound depth out of which glorious things come but nobody can see why. There's a
poem which says that when the
bird calls, the
mountain becomes more mysterious" Sa musika ako unang nalulong Sa kwarto maghapong nagpapatugtog, nagkukulong Akala ng iba baliw kasi mag-isang bumubulong Di lang nila alam na minsan pag sinusumpong Ng mga salitang pulu-pulutong Isip ko di mapigilang tumugon Lalong-lalo na nung narinig ko yung "Way I
Am" ni Eminem, tangina men ang galing din! Sabay kuha ng itim na ballpen Sinubukan kong itugma yung dingding sa tingting Ganun din sa singsing, chedeng Ineng, maging sa bling-bling, bitin parin Problema ko pa kung alin ang gagamitin at pano pagkokone-konektahin Teka meron lang akong tetestingin, baka kako magawa kong perpiken Pinagpuyatan kong hinanap ang liwanag sa Nilalakaran kong lansangan kung san ang dilim-dilim Sinubukan kong tumikim-tikim, umupo, umubo ako, ehem-ehem Kusang nagpakita yung talang nagturo sa Bagong silang na supling dun sa Betlehem Ika-dalawampu ng Mayo, mil nobesyentos otsentay sais Mag-aalas siyete ng gabi, may nanay na ire ng ire, pawis na pawis Abong isinaboy padala mula sa kometa nung dito sa planeta dumaplis Tibok ng puso'y bumilis Senyales na araw ng martes ang labas ko ng matris Matinding liwanag ang aking nasipat Kahit mata'y di ko pa maidilat, kaligayahan ang aking agimat Alam kong ligtas ako sa kanyang balikat At atat nakong makita ang araw Sa kanyang paglubog at sa kanyang pagsikat Buwan-buwan ma'y palipat-palipat Pero tandaang pag gabi, may bituing kumukutitap Ako yung toothpick nangarap maging banana cue stick Turo ng mga mapaglarong daliri ni Ludwig Kwaderno ko'y parang naging Pinagsama-samang pisara nila Da Vinci at Euclid Marami-raming punit Inaral ko ilang ulit ngunit di ko nagawang maging bihasa sa pagguhit Di ko namamalayang may mga larawang Maipipinta sa tala-talatang letrang aking naiukit Gusto mo ba ng kakaibang romansa? Yung tipong mapapasayaw ka ng cha-cha Pagkatapos kong isawsaw tong taco sayong salsa Mula Marikina, dumayo ng Tanza Tapos bumisitang Pasacao at Naga Pinakita sakin ang Pasig at Qc para Sabihin lang na wag mawalan ng Pag-Asa Makauwi na nga sa amin Pero bago ang lahat, magdudugo muna dun sa bahaging Dibdib bakasakaling marinig ninyo ang pahaging, masabing Ito'y tagos sa damdamin Pwes tsob, tsa, tagilid, aken Subukan mong languyin ang lalim, wag mo ng hintayin Pulikatin, at maging pagkaen Ng mga butanding sa baybayin ng Lingayen Naisip ko sa kanto, sinulat ko sa banyo Pangarap ko lang marinig sa radyo Nakakapanibago Nakakapagtaka biglang bait ng mga tao Mga nakahaing nakakaengganyo Oo may kontrata na tayo Kaya ngayon pano, napapraning nako Magpapabiktima ba'ko Sa mga maiitim nilang plano Bigyan nyoko ng patas na laban Wag nyo naman kunin lahat ng laman sa menudo Baka matira sakin patatas at sarsa na lamang Sa dumi ng pulitika di na kaya ng ilang sabon Umabot nako ng dalawampu't syam na Taon, sistema'y bulok parin hanggang ngayon Nagtanim ako sa isang bakanteng Lupain, di ko akalaing may makakapansin Tapos nung may nakarating andami Rin palang magmamagaling, makikiangkin Madalang ko lang silang nakikita nung ako'y gumagapang Kaso nung ako'y nakatayo na sa sarili Kong paa, sasabihin ng iba yumayabang Wag mokong husgahan Di pa kita nakakasalamuha sa damuhan, itigil mo na yan Di ka nga gumagamit pero ugali mo'y adik sayang naman Kung ako sayo itira mo nalang Wala na bang matinong kausap Tira nila'y dakdakan, akin nama'y hook shoot Kung gusto mo ng pataasan ng talon, sige mauna ka don sa rooftop Makaramdam ka naman ng dagok sa bumbunan Parang kinukunan habang pinupugutan Mga kalawanging pako na galing impyerno ang pinaghuhugutan Pinagtagpi-tagpi kong barong, pinaghalu-halong kahoy, bakal at gulong Limas pati pinaghirapan kong bubong Gusto nila sa kahon ako ikulong Di naman kasya ang mga tulad kong annunaki don Tuyong-tuyo ako noong Pasko, Bagong Taon ako ay napadaing Sana sa Mahal na Araw Punuin Nya yung salin ng aking balde-baldeng panalangin Nagrolyo ako ng papel, hindi pambalot Wag kang matakot, alam kong di ka madamot Umaasa lang akong makalibreng batok "Bakit ba nandito to? ang agresibo mo Ito na yung kapiraso ng lupang kinita mo Diba hiningi mo to? Pero pano mo mapapatunayang sayo, eh wala ka ngang titulo" Kung ipagpapatuloy ko to, aabutin tayo ng umaga Humanda ka! makukuha ko rin naman yung Dapat ay sa akin, parating na yung mana...
完毕