音效
界面
难度等级
口音
界面语言
1
和/或在社交方面支持我。网络:
Eskapo
(Kapayapaan sa sarili kailan ko pa ba matatagpuan Araw-araw na lang ang pag-aalala parang wala na siyang katapusan) Dumudugo ng luha ang mga mata pag ang puso'y sugatan Gusto ko nang lumuha ng dugo, para ulo'y gumaan Gusto ko nang matulog, bukas ipagpapatuloy ko na lang Baka alam mo kung saan ang tamang daanan pakituro mo naman Kasi gusto kong tingnan kung nasa'n nga ba ang pinagbuhatan Ng kasalukuyan, ang hinaharap ay pinangunahan Pinarusahan nabilanggo sa nakaraan na kinamulatan Hindi na rin makapaghintay pa sa pagdating ng kinabukasan Kaya ako ay pumalaot, nagpaanod, at inabot pa ng bagyo Sumasabog ang mga alon at pinasok na ang barko Ang kisame ng kabaong ko'y puro kalmot ng kuko Ramdam ko na naman bigla ang ginaw na bumabalot sa buto, nako po Habagat na ang ihip, pag malamig magkumot Magdamag nasa isip, masasakit na hugot Masamang panaginip, ang kalakip ng tulog Kaharap pagkagising, mas malaking bangungot Kaya... Gusto lang namang kumawala Ng isip kahit pansamantala Pero bakit tila mas lumalala Di ko na alam kung saan ako dinadala Gusto lang namang kumawala Ng isip kahit pansamantala Pero bakit tila mas lumalala Minsan gusto ko na lang na mawala na Huwag kang, magpapalimita sa iisang plano ('wag na 'wag, 'wag na 'wag) Imbis na mainip pagisipan pa ng maigi kung pa'no (magdamag, magdamag) Malimit mahilig magbilin sa ibang tao Ngunit tila di ko masunod sunod ang sarili kong payo Katahimikan nakahiligan, kapaligiran parang libingan At kahit minsan walang bisita nasa dilim at nakangiti lang Naging pihikan sa pagibig, maging sa kaibigan Napili kong piitan ay ang sarili kong isipan Kaya maya't maya natataranta sa mga nakaamba na pangamba Kailangan ng pampakalma ayoko nang maalala ang pagaalala Nakakawala ng gana, isip ay parang ibong lumilipad Sa loob ng hawla na gawa sa mga negatibong posibilidad Habagat na ang ihip, pag malamig magkumot Magdamag nasa isip, masasakit na hugot Masamang panaginip, ang kalakip ng tulog Kaharap pagkagising, mas malaking bangungot Kaya madalas ay... Gusto lang namang kumawala Ng isip kahit pansamantala Pero bakit tila mas lumalala Di ko na alam kung saan ako dinadala Gusto lang namang kumawala Ng isip kahit pansamantala Pero bakit tila mas lumalala Minsan gusto ko nalang na mawala na Minsan lapis at papel ang mas madaling kausap Sakit sa ulo, ang sabi ng iba ito'y sakit sa utak Kada gabi nagmamadali na makarating sa ulap Bukas magkatabi na butas ng ilong may nakatakip na bulak Balisong sa pulso, kwarenta'y singkong nakatutok sa bibig Pero parang gusto ko yung kumot nakapulupot sa leeg Ang gulo ng buong daigdig, wala naman yatang gustong makinig Mas masarap pang mamundok, o
kaya magmukmok sa sulok ng pook na liblib Puno ang dibdib ng kawalan ng pag-asa parang kusang sumusuko ang katawan sa mga pasan na wala ng hupa Para kang sa Alcatraz pumuga, sa taas ay nakakalula Makaalpas ka man sa mga bara paglabas ay wala nang lupa At kung makatakas ka man, mahal mo naman sa buhay ang sasakluban Nakakabuwang, lahat tayo balang araw isa lang ang hahantungan Kapayapaan sa sarili tsaka ko na lang to natagpuan Nung ang makitid ko na pagiisip ang siyang nagawa ko na matakbuhan Gusto lang namang kumawala Ng isip kahit pansamantala Pero bakit tila mas lumalala Di ko na alam kung saan ako dinadala Gusto lang namang kumawala Ng isip kahit pansamantala Pero bakit tila mas lumalala Minsan gusto ko nalang na mawala na
完毕