音效
界面
难度等级
口音
界面语言
1
和/或在社交方面支持我。网络:
Dito Sa Maynila
Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina Dito sa Maynila nakikipagsagupaan Kahit mainit tumutulo ang pawis parang kandila Kailangang magtrabaho, kailangan din sumuyod 'Di iindahin, dire-diretso pa rin hanggang mapagod 'Pagkat kailangan may mauwi na grasya Pero konting ingat, didistansya sa disgrasya Maraming bagay na 'di inaasahan Sa Maynila, akin na 'tong napatunayan May magandang pangyayari't merong malungkot Magmasid-masid para malaman ang sagot Sa mga katanungang namuo sa'yong isipan Simula't sapul na mulat ka sa ka-Maynilaan Kailangang pag-aralan mamuhay at umasta Dito sa kapitolyo ng Pilipinas ang buhay ay 'di basta-basta Kaya kung aalis ka dito ay babalik ka rin Alinyam ang Maynila kung babaliktarin 'Di ko namalayan na umaga na pala At namumula pa ang mga mata Anak bangon na may pasok ka Anong oras na alais sais pasado na Isang araw na naman ang pakikipag sapalaran Ng mga paang nakikipag-apakan Nakikipag-patintero, nakikipag-unahan Sa masasakyang jeep na magdaraan Badtrip, bakit laging traffic? Bakit ganito naging kulay abo ang langit? Nakakabinging ingay sa lungsod Sa sobrang siksikan 'di ka maka-usog Binunggo mo na nga ako, ikaw pa ang galit 'Di kita inaano, 'wag ka makulit Para makatakas sa siyudad na kay lupit Sisindi na lang ako hanggang sa mapapikit Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina Oh, mahal kong Maynila anong tunay na mukha Na kung hindi ka kakahig ay hindi ka tutuka Sadyang kami ay dukha o
napabilang lang kami Nagtatrabaho ng umaga, maghapon hanggang gabi Makadiskarte lang kahit na kung minsan ay pagod Hindi iniinda kahit magkanda-kuba ang likod Sunod sa agos, nagbabakasakaling makaraos Na kung matapos man ito ay uuwi akong may galos Merong sugat sa kamay, dulot ng paghihintay Na ibigay ang huling pamana sa'kin ni inay Pero 'di madaling mabuhay sa hingi-hingi Sa dami mong sinusubuan, 'di mo na magawa pang ngumiti Kahit matutulog ka na sa isip mo biglang sasagi Na bukas ay maniningil ng upa ang may-ari Ng bahay kaya kumilos hanggang may buhay Kung sitwasyong ganyan palagi, 'di ka ba masasanay J-Skeelz ang makatang bente sais anyos Mahusay, malupit naman kaso 'di rin nakatapos Ng pag-aaral kinapos si tatay at si nanay Dito sa barangay puro tambay do'n ako sinanay Nagiging sa ingay ng mga kapitbahay Wala 'kong magawa kasi nga dikit-dikit ang bahay Magtiis para masanay sa gutom para mabuhay Dito sa lungsod na may kritikal na pamumuhay Kung pupwede nga lang tumakbo 'kong presidente Dito sa Maynila may milyon-milyong residente Kalyeng takaw aksidente, nagkalat sa Maynila Mandurukot 'pag nandukot may asar pa sabay dila Kaya ingat sa makipot na kalye kapag umikot Baka ka maligaw sa dami ng pasikot-sikot Pero pipiliin ko pa rin dito na manirahan Sa Maynila kasi madaming pwedeng pagka-perahan Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina Halika na't sumugod sa karagatan ng alikabok at usok nalalampasan Ang kahit anong pagsubok, humawak ka lang Higpitan mo lang ang kapit, tibayan mo lang 'Wag na 'wag kang mangangawit Ang mga peklat mo ang magsisilbing patunay Madaling mamatay kasi mahirap na ang buhay Kailangang kumilos, kailangang kumita Pilipinong pinipilit pilipitin ang dila Walang kape sa mesa, walang kapera-pera 'Pag gan'tong taghirap dapat wala ng teka teka Teka, teka, teka muna sadali Mauunahan ka ng oras pag hindi ka nagmadali Dapat mabilis at matulin na parang bus patungong Baguio Wala nang atrasan kasi pinutol ko ang kambyo Tapos 'yung preno mahina, 'yung makina maingay Sa Metro Manila talagang matira matibay Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina
完毕